Tuesday, February 12, 2013

Wala Na Ang Dating Cynthia


"Si Rachelle? Kasuklam-suklam ang buhok na nakakakuryente yata kung hahawakan. Hindi maayos manamit. Mukhang takot sa tabo, at hindi marunong maghugas ng bigas."

"Paano mo naman nasasabi 'yan sa kaniya?" tanong ko kay Cynthia

"Ano ka ba?! Just look at her! Baka nga pag nakasama mo siya sa iisang bahay eh pakalat-kalat ang panty n'yan!"

"Hoy foul 'yon ah?! Bakit ka ba gan'yan?!" sabay iling ko pa bago iwan si Cynthia sa loob ng canteen, sa mesang nakapangalan na raw para sa kaniya, walanag maglalakas loob na umagaw.

Malaki ang ipinagbago niya. Hindi na siya ang dating Cynthia, bagay na sasangayunan ng lahat dahil sa mga kilos niya. Suki ng principal's office at ilang kalalakihan na rin ang gumanap bilang pinsan niya para isalba siya sa kaniyang mga kasalanan at problema.

Hindi naman ganon dati, dati-rati'y kasama ko pa s'yang asikasuhin ang aming mga asignatura sa lugar na paborito naming tambayan. Doon ay halos makatulugan na niya ang kaniyang mga ginagawa. Ang sipag na nakita ko dati sa kaniya ay wala na, maging ang mga kilos, pananamit, pananalita, at kung anu-ano pa ay nagbago na rin. Katulad rin sa paulit-ulit na tanong noon ni Aga kay Janice "May natitira pa bang kahit kaunti mula sa dating Cynthia?"

Kabaligtaran naman ang lumalabas sa mga labi ni Cynthia. Ako pa raw ang nagbago?—Hindi raw "in" ang porma ko't habang tumatagal raw ay nagiging baduy na ako. Pagyayabang 'yon ng walang makain at nakatanga lang sa akin na si Cynthia, naubos kasi ang pera sa bago at mamahaling damit na suot niya. Kailangan daw ay hindi inuulit-ulit na suotin ang iisang damit tuwing wash day, kailangan bawat linggo ay panibagong damit. Sa sinabi niya ay muntik ko pa s'yang mabugahan ng sopas, nagsalita ang in-na-in ang porma, na sa katotohanan ay kating-kati na at 'di makahinga dahil sa suot n'yang bonggang bongga.

Hindi ka rin daw cool kung wala kang fraternity na kinabibilangan sa kolehiyo, balak n'yang sumali sa isang sorrority at ako naman ay tikom ang dila tungkol doon, paulit-ulit ko na lamang na payo sa kaniya, "Hindi mo alam ang papasukin mo, kung ako sa'yo 'wag nalang."

Pinaka masakit ay ang mga nasabi niya kay Rachelle. Mabait ang nakababata niyang kapatid lalu pa pagdating sa kaniya kaya hindi ko malaman kung bakit andami niyang nasasabi na masakit tungkol kay Rachelle. Marahil ay inggit, sa mga matataas na marka at mga kapurian niya. Hindi ko rin sigurado ngunit malamang ay maiinis lang sa akin si Cynthia kung tatanungin ko siya kung maaari ba niya akong ilakad sa kapatid niya.

Maganda naman si Rachelle, simple lang at kabaligtaran ang lahat ng sinasabi ni Cynthia tungkol sa kaniya. Kung sa bagay, mayroon naman akong sariling mata para makilatis si Rachelle, gusto kong mas mapalapit pa sa kan'ya, gusto ko siyang mas lubusang makilala.

Noong nabasag ang katangahan ko'y nalaman kong hindi ko naman pala talaga kailangan ang tulong ni Cynthia, kung talagang gusto ko si Rachelle ay gagawa at gagawa ako ng paraan, hindi ko kailangan ng sino pa man.

_____________________________

Kausap ko si Rachelle kanina, mautal-utal pa nga ako sa pagtatanong kung libre ba siya at kung maaari ba akong bumisita sa kanila. Nakahawak pa nga ako sa noo at nakatingala sa kisame ng hinihintay ko ang sagot niya. Mabuti nalang at pumayag siya, kaso daw ay mayroong problema, nasa mga kamaganak daw ang Mama't Papa niya, hindi raw pwedeng kami lang dalawa ang maabutan doon at baka siya pagalitan, kailangan ko munang tawagan at hagilapin si Cynthia para mayroon kaming kasama. Talaga namang may prusisyon pa bago ang pagiisang dibdib, pagkikita, kaya minabuti kong maligo na para masimulan ang aking search for Cynthia.

Nakapagpraktis na ako sa salamin para kay Rachelle, naubos na rin ang oras sa pagsaid ng gatsby wax. Nanggaling na rin ako sa kolehiyo naming pinapasukan at mga posible pang galaan ni Cynthia ngunit wala akong nakitang anino man lang niya. Dalawang oras nang tinatawagan, sa bawat subok ay bigong sagutin niya ang aking tawag. Nabigkas ko na ang salitang "nakakainis" at "sayang" ng biglang tumunog ang aking mobayl..

"Pre san ka? Punta ka dito, hindi mo gustong mamiss ito."

Sa kawalan ng pag-asang mahahanap pa mula sa kaniyang pinagtataguan si Cynthia ay pumunta na lamang ako sa lugar kung saan ako niyayaya ng aking mga barkada. Naroon daw ang lahat at ako na lang ang tanging hinihintay.

_____________________________

Tatlong oras ang lumipas, pagabi na noong tumawag sa akin pabalik si Rachelle, naroon na raw ang Ate Cynthia niya't maaari na raw akong magpunta sa kanila. Ako naman si eksayted ay agad tumayo mula sa kinahihigaan, lumabas, bumili ng mga bulaklak at bumili na rin ng isang balot ng paborito niyang street food ang proben, talaga naman streetwise.

Kilig-kilig naman habang kami ay nakaupo, nanunuod ng Marimar habang ang proben ay pinagsasaluhan. Biglaan lumabas si Cynthia mula sa kwarto niya at ang mukha niya kung titignan niya kami ay para bang siya ang umubos ng sawsawan naming suka. Bumaba si Cynthia sa hagdan at lumabas ng kanilang pintuan. Humingi naman ako ng saglit kay Rachelle upang kausapin ang ate niya.

"May problema ba?" tanong ko agad kay Cynthia ng makalapit ako sa kaniya

"Wala naman. Ang cheap cheap mo lang kasi, proben? Nakakatawa kayo, tsaka nakakadiri kayo panoorin. Nakakaasiwa at maniwala ka sa 'kin, hindi kayo bagay. Wala ka talagang taste." sagot naman ni Cynthia

Dahil siguro 'di ko na nakayanan ang pagsasalita niya ng ganon sa akin at sa kapatid niya, sa unang pagkakataon ay nakapagsalita ako ng alam kong makakasakit kay Cynthia.

"Cheap ba? Nakakatawa? Nakakadiri panoorin at nakakaasiwa!?.. Myembro ako ng sinalihan mong fraternity Cynthia, at ganiyang gan'yan din ang naramdaman ko sa'yo ng paglaruan ng mga kasama ko ang pagkababae mo sa harapan naming lahat, nagamit mo pa ba don ang taste mo? Naka pili ka pa ba sa mga nakapila sa'yo?"

"Hindi ko na sana balak sabihin sa'yong nandoon ako nung umiiyak at nakapiring ka sa buong pangyayari, gusto ko lang na mula ngayon tignan mo muna ang sarili mo bago ka magsalita ng kung anu-anong makakasakit sa damdamin ng iba tulad ng kapatid mo. Magalit ka na sa'kin pero hindi hindi ko hahayaang maging isa siyang tulad mo Cynthia." mariin kong sabi sa kaniya


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

11 comments:

  1. wow anong meron ahahaha. May kakaiba din sa page mo ha tulad ng sa akin nyahahaha. Apir!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe sumisipa minsan palabas at susubok.. sabaw nga lang hehe..

      Delete
    2. di naman ayos nga eh... maypagkacreative nga ang dating ng story...

      Delete
  2. hmmnnn... for whatever reason, I love cynthia's character... mas naiintindihan ko siya... outspoken lang at walang habas ang bunganga pero alam kong may lalim at may pinagdadaanan... gusto ko pa siyang makilala ng lubos... gawa ka naman ng prequel about her...

    maganda ang kwento...

    ReplyDelete
    Replies
    1. para sa'yo senyor ^_^ baka gusto mo ring basahin yung unang part niyan pangalawa na kasi yan.. lumang post ko dito ang title ay Galit Ka Pa Ba Cynthia.. iba pa siya dun kaya ganito ang pamagat ngayon..

      Delete
  3. Bitin. Itutuloy ba to? Nakakatuwa si Cynthia, gusto ko malaman ang history ng "sakit" nya. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. gagawa ako tol pao pero hindi siguro agad.. ex girlfriend ng bida (lol) si Cynthia.. nung hindi nagkaroon ng paraan para magkabalikan naging malapai na magkaibigan nalang sila hanggang sa ganito... gusto kong ipabasa yung Galit Ka Pa Ba Cynthia kaso cp mode ako hehe..

      Delete
  4. Akala ko kukunsentehin na naman nya si cynthia. Buti nga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe. Si cynthia dito e unpredictable.. anyways nagbago na s'ya kaya nagbago rin ang pkksama sa kaniya.. salamat po sa pagbasa ^_^.

      Delete
  5. napano si cynthia bossing? sabi na e may cynthia sa buhay mo ee..haha

    ReplyDelete
  6. napalihis lang ng landas ^_^

    ReplyDelete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin