Simangot ang sa pasahero niya'y tinanggap
Sa salamin ay kumpulang inip ang kaniyang kaharap
Ang trabaho niya na walang kasing hirap
Ang araw-araw na init ay kaniyang hinaharap
Tumakip na sa dating kulay ng kaniyang balat
Sa pagtapak ay kaunting usad lang ang banat
Ipit siya sa mahabang trapik na nakaka-urat
Tinitiis niya lahat ng ito upang maiangat
Pamilya niyang nalulubog na sa paghihirap
Umaasang balang araw maaayos din ang lahat
Kaya siya'y tuloy-tuloy lamang sa pagsisikap
Kung sana raw siya'y nakapagtapos
Hindi na kailangang mamasada sa muños
Ganon lang daw talaga ang buhay sa mundo
'Di mo alam ang mga darating at pagdaraanan mo
Hindi na alintana kahit pa bumabagyo
Derecho lamang siya sa kaniyang takbo
Kahit pa kadalasang malipasan na ng gutom
Kahit magulungan pa'y matulis na bato o pako
Isang araw ay nanlambot ang gulong
Natunaw ang bakal at pursigido niyang puso
Pumreno panandalian ang kaniyang mundo
Noong nakita sa kalsada ang kaniyang bunso
Maraming kasama,
Sa supot, may sinisinghot na kung ano
hmmmmmm ito ba ay ginawa mmo habang nakaupo ka sa jeep ehehehe. Mahusay!
ReplyDeletehindi naman tol rix hehe.. hindi na ako naglalalabas ngayon eh ^__^ salamat!
Deletenapaka lungkot naman... :(
ReplyDeleteganon daw po talaga paminsan, dudurog sa puso ang 'di inaasahan hehe.. salamat sa pagbisita Gen ^_^
DeleteOkay ang pagkakabuo sa bawat salita... may emosyon ding nakapaloob dito... galing ^^ tuloy tuloy lang ang pagsusulat...
ReplyDeleteNakakalungkot naman ang ending... masakit talaga ang ganung sitwasyon... at nagaganap yan sa tunay na buhay
salamat sir Jon. asahan mo, hindi ako magsasawa.. ^_^
Delete