Si Lieza, kung hindi nakatanga sa cellphone niyang daig pa ang walang laman na sim card ay naroon siya't pinagmamasdan nanaman ang pagaagaw ng liwanag at dilim mula sa kahoy na bintana, umaasang kahit isang magdamag nanaman ang lumipas posible paring may patrick na biglang kakatok sa kaniyang pintuan.
Isa 'yong normal na dapit-hapon ng huwebes para kay patrick sa loob ng MRT, kung ang hawak niya ngang ticket ay isang taon nang walang pinagbago ano pa kayang maaaring magbago sa araw-araw n'yang pamumuhay. Literal na nasa labas siya ng mumunting espasyo n'yang inuupahan ngunit bakit ang isip niya ay nais lumabas, gusto n'yang kumawala, gusto n'yang maging malaya, gusto n'yang makapiglas sa sumpa ng pang araw-araw na siya rin naman ang gumawa. Hindi naman ito ang hiniling niya, ang gusto lang niya'y magkaroon ng simpleng pamumuhay, magkaroon ng maayos na trabaho, at magkaroon ng kakayanan upang matustusan ang mga pangangailangan.
Tanong niya sa sarili kung bakit ngayon lang niya napagisip-isip ang nga bagay na 'to. Matagal siyang naging bilanggo, matagal s'yang naging sunud-sunuran, matagal na ang tinakbo ng panahon ng pagsasakripisyo, wala naman s'yang naabot, hindi na kailanman tumaas ang kan'yang posisyon, naging manipis na nga ang sa mga kasamahan niya ngunit ang kaharap pa rin niya sa kaniyang silya ay ang heavyweight at dirty white monitor, naging makabago na ang mga bagay-bagay habang s'ya ay nanatili kung ano rin siya kahapon.
Mayroong isang nagbago ngunit hindi niya 'yon agad na napansin para sa sarili, walang nagtatanong sa kaniya kung anong nangyari sa dating masaya nilang samahan ni Lieza, walang nakapag tanong sa kaniya kung napansin rin ba n'ya 'yon, walang nagsabi sa kaniya na gumawa siya ng paraan upang hindi mabigo ang mga pangakong binitiwan dahil may paniniwala sa kaniya ang mahal niyang si Lieza, naiintindihan niya ang mga pinagdaraanan ni Patrick, ang hindi naintindihan ni Patrick ay ang katotohanang lahat ng lubid gaano man kahaba ay mayroong hangganan, lulundo rin ito't hindi makakayanan ang dalang bigat.
Ang nakakawala ng pagod na mamahaling sofa, ang isang computer set sa kaniyang bed side, isang flat screen led t.v na ikinabit sa dingding, ang isinabit na camel painting, ang rice cooker na hindi pumapalya, ang digital camera na pinang instagram niya sa kinaiinisan niyang pusa, ang iphone at ang tablet, ang de-bateryang radyo, ang microwave at coffee maker ang mga gamit na araw-araw niyang masayang inuuwian, home sweet home ang datingan. Kung may katas ng isteyts at saudi, mayroon siyang natatawag na katas ng eye bags, may computer na may laptop pa, ano pa nga bang ibang hahanapin niya. Kada off sa trabaho ay 'yon agad ang nasa isip niya sabik na siyang makauwi. Ngayon lang niya naisip, habang araw-araw pala ay ganon ang gawain n'ya matiyagang naghihintay pa rin ang number at pintuan ni Lieza.
"Naging mahina ako, naging mahina ang pagkakakapit ko. Nakalimutan kong si Lieza ang naka kapit sa kabilang dulo." Isa 'yong seryosong linya mula kay patrick ngunit inasahan pa rin niyang si Nelson ang pinaka malapit niyang kaibigan ay mayroong itutugon ngunit nanatili itiong walang kibo. Ilang taon na silang magkaibigan, may parehang paniniwala at ngayo'y nakakapit sa iisang bakal ng MRT. Marahil dahil malapit din kay Lieza si Nelson kaya pinili niyang maging tulad ng kaharap nilang saradong pintuan doon na gagalaw lang kung kailangan, alam niyang matagal nang nahihirapan si Lieza sa sitwasyon nila ng kaibigan n'yang si Patrick.
Isang pangkaraniwan na dapit-hapon 'yon para kay Patrick. Normal na dapit-hapon kung saan palagi n'yang kasabay ang kaibigan na si Nelson sa pagsakay ng MRT pauwi matapos ang maghapong trabaho ngunit tila bago ang pakiramdam ni Patrick ngayon. Pinagmasdan niya ang mga construction worker na representative ng PNR, ang masayang pamilya na pauwi na matapos ang pamamasyal, ang magkasintahang tapos na ang valentines ngunit nanganganib paring sugurin ng mga langgam, ang kaibigan niyang si Nelson na tulala, at ang isang dalagang nakaupo, nakasimangot at halatang may mabigat na pinagdaraanan. Lahat ng 'yon ay nagsabi sa kan'yang kailangan niyang ipagpasalamat ang buhay, ang magkaroon ng maayos na trabaho, sumusuporta at mapagmahal na pamilya, nagaalalang mga kaibigan, at isang tao na nagmanahal sa kaniya ng tunay tulad ni Lieza.
Narinig n'yang nag-ring ang kaniyang telepono kahit wala naman ito sa kan'yang bulsa, sa isip niya-siguradong si boss nanaman at may gustong ipagawa, 'di kaya ay si Lieza na nagtatanong nanaman kung kailan siya bibisita. Nanatiling maliwanag pa rin ang paligid kahit pa tuluyan nang lumubog ang araw. Narinig niya ang malambing na tinig nila ni Lieza, yung tono ng boses niya noong huli silang magkita. Doon ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata ng biglaang huminto ang sinasakyang tren sa Magallanes Station, nagbukas ang lahat ng pintuan at ang lahat ay nagsimulang humakbang palabas na para bang dito na ang huling hinto ng mahabang sasakyan, kulang nalang ay may boses na marinig mula sa speaker na magsasabing, "Our operation system was changed. This is our last stop." At nagulat si Patrick dahil nangyari nga 'yon kahit pa hindi niyq malaman kung saan ang boses nagmumula. Ang mga pangyayaring 'yon ay hindi niya maintindihan.
Hindi 'yon tulad ng karaniwang pagsakay niya pauwi, hindi pa dito ang baba nila ngunit bakit pati si Nelson ay lumabas na't siya ang tanging naiwan. "Panaginip lang ito" naisip niya, kaya tumigil ang MRT doon ay bilang pagpapaalala na kailangan n'ya namang bisitahin ang kan'yang kasintahan na malapit doon nakatira. Bulong niya sa sarili-alam ko na ang mga dapat kong gawin, magbabago na ako't siguradong magiging maayos ang lahat. "Maaari na akong gumising sa panaginip na 'to!" Sigaw pa niya habang sinasaktan ang sariling mga pisngi.
Ipinikit n'yang muli ang mga mata, umaasang sa pagmulat ng mga ito'y magigising na siya sa katotohanan.
Nagising siyang nakaupo sa isang mahabang silya. Katabi niya ay ang kaniyang kasintahan na si Lieza na non ay umiiyak at mapapansing kanina pa dahil namumugto na ang mga mata. Sa harap nila ay ang kinatatayuan ni Nelson na nakikipagsuntukan sa pader, "sinong gagawa nito para lang makuha ang mga gamit niya!" Sigaw nito. Dumating at nagmamadali pa ang lakad papunta sa kanila ng mga magulang at isang kapatid ni Patrick. Sinalubong sila ni Patrick ngunit nilagpasan lang siya't agad-agad niyakap ang umiiyak na si Lieza. Nagtaka si Patrick at napalingon sa bintanang salamin sa may pintuan. Nagulat siya't kinilabutan ng makita kung kaninong katawan ang tinakpan ng mga doktor at nurse.
"Isa itong malaking kalokohan. Panaginip lang 'to." Paulit-ulit na sigaw ni Patrick. Nagsimula lang magkaroon ng sense ang lahat ng magliwanag ang puting ilaw mula sa malayong bintana. Masakit niyang tinanggap ang katotohanan, at kahit alam niyang hindi na siya mararamdaman, maririnig, at makikita ay totoong luha ang umagos sa kaniyang mga mata matapos subukang haplusin ang mga pisngi ng kaniyang mahal para sa kaniyang pagpapaalam.

posted from Bloggeroid
ODK! ito ay isang wake up call sa mga taong halos wala ng panahon sa mga taong mahal nila... alam natin na dapat habang nabubuhay tayo ay bigyan natin ng importasya ang mga tao na pinahahalagahan natin dahil di natin masasabi kung hanggang kailan tayo nakatapak sa lupa..
ReplyDeleteSa totoo lang nararamdaman ko ang nararamdaman ni Lieza. Ang dahilan kung bakit ganun ang tema ng recent entry ko sa pahina ko ay dahil din sa tao na puro pangako at puro salita na walang gawa... medyo badtrip lang....
yung politician? ibig sabihin may isang tao na..... shh ayaw ko na munang makialam heheheh...
Deletesalamat kaibigan at nagustuhan mo... wag sanang magalit sakin yung mga matatamaan at makakarelate.. naranasan ko lang kasi, masakit kapag mabibigla ka nalang, dahil hindi mo rin napansin, unti-unti nang nawawala sayo ang mga bagay-bagay..
Tama, yun ngang entry ko na yun ahaha.
DeleteLahat naman ng tao ay nararanasa ang bagay na ito pero nasasa atin pa rin kung paano natin iha-handle ang sitwasyon.
oh em gee... ang galng mo magkwento...im so absorbed with the story...
ReplyDeleteplano ko nga senyor eh gawing purong storytelling are.. ewan ko ba kung bakit, nahahawahan pa rin ng nakasanayan hahaha.. salamat sa pagbabasa kaibigan ^__^
DeleteNakakalungkot naman ang nangyari... kahit sino pwedeng tamaan sa pinagdaanan ni Patrick...
ReplyDeleteOkay din ang moral lesson niya...
Kailangan talaga n habang may pagkakataon pahalagahan natin ang mga bagay na meron tayo... lalo na s ataong nagmamahal sa atin...
Gusto ko ang line na ito - "naging makabago na ang mga bagay-bagay habang s'ya ay nanatili kung ano rin siya kahapon."
Parang ako lang.... walang pinagbago hehehe
malungkot nga at sana eh pahalagahan na kung ano ang meron at ano tayo ngayon...
Deleteako man eh nakakaramdam ng ganyan sir jon.. para bang ako'y napagiiwanan hahaha... pero ayus lang yan, may sari-sarili tayong pananaw sa buhay, hindi kailangan baguhin 'yon para lang bumagay sa ano ang bago at ano ang "in"... salamat sa pagbabasa kaibigan :)
galing jon noh? ahahahaha
Deleteinimbita mo pala si sir jon na magbasa.. salamat kaibigan ^__^
DeleteUu nyahaha. Walang ano man yun :)
Deletehirap magkoment kapag mobile mode... pinipilit ko talaga para hindi niyo isiping hindi ko lang pinapansin ang mga puna... salamat po ulit ^__^
ReplyDeletekahanga-hanga ang kwento.
ReplyDeleteplus the lesson na "time is chasing after all of us"
kudos sa akdang ito :)
maraming salamat sir bagotilyo ^__^
Deletetwo-parts ko sya binasa.. ang haba eh.. hehe.. but its not the boring long one, eto yung tipong babalikan ko tlga til the end of the story.. di ko pa lang nabasa yung mga older posts mo, but ill take time for sure :)
ReplyDeletesalamat po sa pagbasa ah hehehe.. pinagtyagaan talaga ang kalokohan ko oh ^__^
Delete