Walong taon na ang nakalipas, walong pasko, walong bagong taon, at walong kaarawan ni Carlos ang nagdaan na wala si Paul sa tabi ng kaniyang anak para kahit sa pinaka simpleng paraan ay mayakap at masabi kung gaano niya itong kamahal. Naalala niya noong iniwan niya ang bansa at ang kaniyang mag-ina, wala pang kaalam-alam ang anak niyang si Carlos non na mula sa araw na 'yon ay matagal silang hindi magkikita.
Bitbit pa ni Carlos non ang laruang eroplano na iniregalo sa kaniya ng ama, halos idikit ni Carlos ang mukha niya sa salamin, manghang mangha sa nakitang tunay na eroplanong nagdaan, pinagmasdan niya yon hanggang sa makalayo't makaangat ang gulong sa lupa. Tumingin siya sa ama at ibinahagi ang ngiti ng kamusmusan. Ang pangarap niyang maging isang piloto balang araw para bang napakalapit lang at kaniyang abot kamay, habang si Paul naman ay hinihimas-himas ang buhok ng anak, sinusulit ang mga ngiting nasisilayan sa kaniya. Inakap niya ito na para bang hindi na sila muling magkikita. Ayaw ipahalata ni Paul sa anak ang kaniyang pagluha, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng anak at lumuhod upang masabi ng harapan ang isang pangako "Hindi ko natupad ang akin, pero gagawin ko ang lahat, makikipag sapalaran ako para matupad ang sa'yo anak."
Tulad ng ipinangako ay ginawa ni Paul ang lahat para sa anak, gusto niyang tutukan nitong mabuti ang pagaaral, kung kinakailangan ay sa pribadong paaralan pa dodoble kayod na lamang siya sa ibang bayan. Kaligayahan na sa kaniya ang simpleng matawagan, mabalitaan, at makumusta ng anak. Kung paminsan ay hindi alam ni Carlos na lumuluha na ang kausap sa linya, masaya kasi ang kaniyang ama sa mga magagandang balitang kwentu-kwento ng anak, mga luha ang patunay na hindi kailanman nasasayang ang paghihirap niya sa ibang bansa.
(ANG PAGUUSAP)
"Mahal na mahal mo talaga siya ah." wika ni Gina sa linya
"Oo naman gagawin ko ang lahat para sa kaniya." Sagot naman ni Paul na parang bata. "Meron ka bang gustong ipahiwatig sa sinabi mo Gina?" dagdag pa nito dahil sa kakaibang tono ni Gina.
"Wala ah. Ang akin lang isipin at asikasuhin mo rin ang sarili mo. Kahit hindi mo sabihin alam kong nahihirapan ka d'yan." sagot naman ni Gina
Naisip ni Paul na tama rin naman si Gina ngunit kaya niya naman, kinakaya naman niya ang trabaho at hindi naman daw niya ikamamatay ang hindi masikatan ng araw. Palaging madaling araw man ang sinasalubong sa pag gising niya, kung sa paguwi wala man siyang pagkakataong gawin ang mga nais gawin bagkus ay magpahinga na para sa isa pang bukas, ayos lang, masaya naman s'yang babati ng magandang gabi sa larawan ng kaniyang anak, ang inspirasyon niya, at babangon siya na mayroong puso at pagpupursigi para simulan ang isa nanamang araw.
_____________________________
Makalipas ang ilang buwan ay dumating na ang araw na pinakahihintay ni Carlo. Hiling niyang naroon sana ang ama para ipagmalaki siya at harapang maiabot niya ang sukli sa lahat ng paghihirap ng ama, ang diploma.
"Makakarating po ba siya?" may halong pagaalalang tanong ni Carlo. "Walong taon na po ang nakalipas na hindi pa siya nakabalik dito. Hindi po ba siya nabibigyan ng kahit saglit na bakasyon?"
"Hindi ko alam eh, isa lang ang alam ko, siguradong masayang masaya siya para sa'yo." sagot naman ni Gina
Nabasa ang tagumpay sa ngiting ibinalik ni Carlo, hindi niya binigo ang ama at hindi nasayang ang mga pagsasakripisyo nito para sa kaniya.
Tumalikod siya't humarap sa salamin. Maayos at malinis tignan ang kaniyang buhok. Pulbos ang bumalot at nagpaputi sa kaniyang mukha. Isinukat ang sumbrero at suot-suot na ang toga. Binuksan na niya ang tukador na 'yon, sinimulang isuot ang kwintas na ibinigay sa kaniya noon ng ama, ang kwintas na noon ay ang ama mismo ang nagsusuot sa kaniya tuwing sila'y magsisimba. Kinausap niya ang sarili, "Malapit na malapit na papa." Habang dahan-dahang binuksan ang maliit na kahon kung saan niya itinago ang laruang eroplano.
(ANG PAGTATAPOS)
Daig pa ni Paul ang may manganganak na asawa sa pagmamadali, kung maglakad akala mo'y wala s'yang kasama. Kinausap siya ni Gina kanina at kinumbinsing hindi niya kailangan na matakot, na hindi niya kailangang ilihim ang paguwi dito sa Pinas. Kinumbinsi niya si Paul na malaki na si Carlo, alam na niya ang mga nangyayari, alam na niya ang lahat at wala na siyang dapat pang itago sa kaniyang anak.
Napagisip-isip ni Paul ang mga sinabi ni Gina, para siyang bungal na biglang nakumpleto ang ipin dahil biglaan na lamang ay napangiti siya. Tanong niya sa sarili kung bakit ngayon niya lang ito napagtanto, maraming bakasyon na ang kaniyang pinalagpas na hindi binisita man lang ang kaniyang anak kahit ang katotohanan ay sabik na sabik siyang mabigyan ito ng yakap. Nagpasalamat s'ya kay Gina, hinila ang mga kamay at niyayang palabas, "Tama na nga siguro ang pagpapanggap. Hindi na kailangang sayangin nanaman ang pagkakataon para lang pagtakpan ang katotohanan. Pupuntahan natin siya."
Dahil sa pagmamadali ay nakaabot sila, ganon pa man ay hindi sila pinahintulutang makapasok ng mga bantay. Sa barikadang bakal ay nanghahaba ng maigi ang leeg ni Paul, hanap-hanap ang anak sa kumpulan ng daan-daang estudyante na magsisipagtapos sa iisang kulay na mga kasuotan. Napa buntong hininga, maaubusan na sana ng pagasa si Paul ng bigla ay kaniyang narinig na tinawag sa mikropono ang pangalan ng anak.
Masayang tanaw ni Paul mula sa malayo ang anak, parang gusto niyang tumalun-talon at ipagsigawan na anak niya ang estudyanteng paparangalan. Hiling niya na naroon din sana siya upang maisabit ang natanggap na medalya sa anak. Lumapit sa mikropono ang kaniyang anak na si Carlo upang maghayag ng isang talumpati. Si Paul naman ay halos hindi na makagalaw sa kaniyang kinatatayuan, 'yon na yata ang pinaka masayang araw ng kaniyang buhay.
"Noon ay takot din po ako. Takot na baka isang araw ay mabigo ko ang aking ama. Si Papa ang sumuporta sa pagaaral ko at sa lahat ng pangangailangan namin ni Mama. Natakot ako na baka po sa haba ng kalsada sa huli ay hindi ko matapos ang aming sinimulan. Palaging sabi sa akin ni Papa kapag itinatawag ko sa kaniya ang problema, "Kaya mo yan anak. Alam mo ang tama at dapat mong gawin. Kung may gusto kang marating marami ka talagang pagdaraanan." Dahil doon ay nagkaroon ako ng malaking tiwala sa sarili, ginawa ko ang lahat para marating kung ano ang narating ko ngayon. Para kay Papa po ang lahat ng ito, para sa pagtitiis, para sa pagsisikap, para sa pagsasakripisyo, at para sa pagmamahal niya sa amin. Alam ko pong iniwan niya na kami ni Mama, pero kahit kailan po ay hindi niya kami tinalikuran, dinala niya pa rin kami sa puso niya at hindi kinalumutan ang responsibilidad na kaakibat ng pagiging ama at asawa. Salamat Papa, para sa'yo ang lahat ng ito, salamat dahil hindi mo kinalimutan ang pangako mo. Ang edukasyon, utang po nating lahat ang kayamanang ito sa ating mga magulang, pasalamatan niyo sila. Maligayang pagtatapos po sa ating lahat."
Binigyan si Carlo ng masigabong palakpakan ng lahat at doon ay malayang nagsi liparan na ang mga sumbrerong ihinagis para sa panibagong pakikipagsapalaran. Ang mga kapwa nagsipagtapos ay pinagmasdan ni Carlo, nagpipicture taking kasama ang kanilang mga kamag-aral, kaibigan, at mga magulang. Dapat na maging masaya si Carlo ngunit bigo pa rin siyang itago ang kalungkutan at inggit na nadama. Naroon naman ang kaniyang ina na niyakap siya at ipinaramdam na hindi siya nagiisa, "Hindi mo kailangang malungkot anak. Antagal mong hinintay to 'diba?"
(ANG PAGKIKITA)
"Uy pogi, congrats ha." salubong na bati ni Gina kay Carlo
"Salamat po. Parang kanina lang po magkausap tayo sa chat." may ngiting nasilayan na kay Carlo
Sunod na binati ni Gina ay ang ina ni Carlo, may paguusap pa sila na parang itinatago kay Carlo dahil konti nalang ay bulong na itong matatawag. Humarap si Gina kay Carlo at tila may itinuturo ang mata nito mula sa kaniyang likuran.
Naroon ang kaniyang ama. Malapit lamang na distansya ngunit tinakbo pa niya para maisalubong ang mahigpit na yakap sa ama. "Pa.." Tila walang plano si Carlo bumitaw mula sa pagkakayakap, hindi alintana kung maubusan man siya ng pwedeng iluha. "Pa.. Dumating ka."
Hindi uso ang salita sa mga sandaling 'yon, sa kabila ng mga hindi makapagsalitang labi ay naguumapaw na damdamin ang nangingibabaw. Ilang sandali pa ay naka bwelo rin si Carlo.
"Para sa'yo 'to Papa." Iniabot ni Carlo ang kaniyang diploma at ang larawan niyang naka toga sa ama. Nanginginig ang kamay na minasdan 'yon ni Paul, hindi napansing natuluan na ito ng kaniyang luha. Tumingin s'yang pabalik sa anak, hawak-hawak na nito ang isang laruang eroplano, iniabot niya ito sa ama at madamdamin na sinabi, "Papa napili po akong mabigyan ng scholarship, kaya ko na po ang sa akin, oras na para tuparin mo naman ang sa'yo. Alam ko pong naging mapaglaro ang panahon, oras at tadhana para sa inyong dalawa ni Mama naiintindihan ko po 'yon. Maaari pa rin naman pong matupad ang pangarap mong magkaroon ng masayang pamilya."
Niyakap ni Paul ang anak, ipinaalam kung gaano siya kasaya, at kung gaano niya ipinagmamalaki ang anak. Kahit pa may luha kuntento sa ibinahaging pagsilip ng masayang pagngiti ang mag-ama, ganon din si Gina at Carla na kapwa natunghayan ang muling pagkikita ng mag-ama na walong taong hindi nagkita.
"Pero pa.. Kahit sino po boto ako, wag lang kay tita Gina." biro pa ni Carlo at sila'y masayang naglakad palabas ng paaralan.
posted from Bloggeroid
Nakakatuwa ang kwento na ito... ang pagtanaw ng utang ng loob ng anak nya sa kanyang ana kahit na alam na nya ang realidad na di na maaring makumpleto ang kanyang pamilya..
ReplyDeleteIsang maemosyong tagpo..
salamat ^__^ aminado akong hirap ako sa ganito, hirap lapatan ng kwento para maging mas malinaw, smooth o anumang tawag don haha..
DeleteEhehehe ayos nga eh, at least di madugo ang ending isang kwento na puno ng lovve :D
DeleteDalawang beses akong naiyak... Sa Graduation speech at sa pagkikita ng mag-ama...
ReplyDeleteMaganda ang kwento. Salamat at pinagbigyan mo akong makakita ng father and son story from you. Hindi masyadong nailahad ang conflict ni Paul involving Gina and Carla but that what made the story great kasi it still leaves the reader to think and reflect...
I want more. Ready for the next challenge?!? lol... wait for my pm sa FB, ha? May additional pa... hehehe
Yeah more pa...alam ko na naman kasi hindi to gaanong magugustuhan.. wala lang talagang kumatas nung binalikan ko from the top para iedit.. ako man eh hindi kumbinsido kaya isa pa haha..
Deletewait ko ^__^
SPOILER ALERT:
ReplyDeleteKakatuwa. :) Kala ko naman mamamatay si Paul. Happy ending pa din. ^_^ Alam mo pareho tayo ng naisip na story, kasi naisip kong kung gagawa ako ng story ng father&son, it has to be like this, about pangarap, at pagiging piloto din ang naisip ko. lol Anyways, kung gagawa ako ng kwento, hindi ganto kaganda. haha!
Nays wan karatig! :P
Wow aabangan ko yan tol Pao ahh.. toinks, baliktad eh, sayo ang siguradong maganda ^__^
Deletenakaka touch naman. bihira lang ganitong mga anak. me pagpapahalaga sa mga magulang. lalo na sa ama.
ReplyDeleteSangayon ako, sana matutunan ng marami ang pagpapahalaga sa mga magulang.. kung ganon lang siguro ang lahat edi hindi sana fictitious ang kwentong ito hehe. Salamat po sa pagbasa ^__^
DeleteHeart-wrenching. :)))
ReplyDeleteSalamat po ^__^
Deletesari saring emosyon ang naramdaman ko habang binabasa ko ito... ayos ang pagkakasulat.... ^^
ReplyDeletenaalala ko tuloy ang father ko...
keep on writing...
salamat sir Jon... ako rin sari-sari ang naramdaman ko habang sinusulat to hehe..
DeleteNakakaantig ang speech ni carlo :) Naantig ako sa buong storya at may matinding twist pala sa huli.. hehe.. Wait ko ang mga outputs from the challenge ni Senyor! hehe
ReplyDeletesalamat po... hihintayin ko pa ang tyalends hehe.. salamat sa pag tyagang magbasa ^__^
Delete