Friday, February 27, 2015

Alaot



Kahit ilang parinig,
Kahit pakunwaring kausapin ang sarili sa salamin,
Walang pipigil sa mga hakbang na pagalis na ang tungkulin.

Tanggap ko sana ang katotohanan,
Ngunit 'di na raw kailangang pagtalunan, sino'ng may kasalanan.
Maninindigan, nakaimpake na raw lahat ng aking kailangan.

'Sang buwan sa'king maleta,
Walang lamang bulsa, at hindi komportableng sapatos sa paa.
Bus na karag-karag. 'Di pa nakaabanteng gulong ay gusto kong itigil na.

Ganon na lang ba?
Sisilip pa sa bintana ang kolehiyong pinagugatan,
Kasunod ang simbahang kinahantungan. Sumpaang naging sugal lang.

Masaya ka sana.
Dahil susubok na ring akong lumimot at maging maligaya,
Kahit alam na mahirap iitsa na lang sa tubig ang nalamukos na dekada

Sumandal matapos ang bintana'y buksan.
Buhay Maynila, kung natututuna'y kaya ring kalimutan.
Kung paano mong napaikot ng matagal, walang katiyakan.

Natuklas ko na ang katotohanan,
Bakit ngayon sakin ka'y tumatabi't tila sinusuyo na naman.
Mahigpit ang pagkakakapit na walang pakakawalan.

Agad na-alimpungatan,
Huli na noong maalala kong wala na'ko sa ating higaan,
May nakatutok nang patalim sa aking tagiliran.


~~ o ~~



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin