photo credits @fdipostassic |
Katulad ngayon, nilalakad ko ang ating mga daan na ngayon ay mga kalsada na mayroon nang 'ngalan. Taas noong tumatanaw sa bawat bandilang nadaraanan. Kahit pa nananatili ang sabog sa dibdib ng pagtayo ng ating lugar sa madilim at masakit na kaguluhan. Kaya sa atin ay musika na ang ngayo'y ingay at pagka abala ng ating mahal na San Lorenzo.
Laging pagpupumilit mo. "Kailangan kong magpatuloy.", "Kailangan kong bumalik" Kahit ang bawat pagalis mo'y may dulot saking takot at pagaalala na baka isang araw ay hindi kana makabalik sa amin ang haligi ng aming tahanan. Pero lagi mong sinasabi na hindi 'yon mangyayari, at ginagawa mo ang lahat ng ito para din sa amin na iyong pamilya.
Ang mga taong nakatingin sa ating pagdaan. Hindi ba para sa kanila kaya ka lumalaban? Kaya ka umaalis? Kaya ka nagsisilbi?. Pero ang magagawa nalang nila ay tumingin, ni hindi nila alam kung sino ang sakay ng karosa. Ang bilis mong nang iwan. Sa likod mo na naman ako. Iniwan mo na naman ako sa paglalakad. Kahit gustong magtampo at magalit. Ang magagawa ko nalang ngayon ay mag ubos ng sakit at luha habang nakahawak sa nagdadala sayong puting karosa.
~~
No comments:
Post a Comment