Friday, July 21, 2023

Hindi Ka Ba Nauumay Sakin?

photo credits @pxfuel
"Hindi ka ba nauumay sakin?" tanong ni Ira na may halong pag aalala. Kahit pa alam naman niya ang sagot ko sa tanong niya. Kahit pa ang nakakaumay lang naman talaga ay ang paulit-ulit na pagtatanong niya.

"San ba tayo ngayon Love?" sagot ko naman na halatang paraan ng pag skip ko sa tanong niya.

Sanay na kasi ako sa kaniya. Pag sinagot ko pa ay dadami lang ng dadami ang tanong hanggang sa magkamali ka na ng sagot na siguradong ikakatoyo niya. Okay lang sana kung pwede akong humalik sa kaniya na alam kong magpapakalma sa kulo ng nilulutong adobo niya.

"Sagutin mo muna." pilit niya habang may mahinang pag hila sa aking braso.

"Nasa byahe na talaga tayo wag kang makulit dyan." sagot ko sa kaniya na biglang nagpatahimik naman sa kaniya

Sinasabi ko na nga ba. Tanghaling tapat pero nagsisimula na namang magdilim dahil sa matulis niyang tingin at may pag duro pa sa aking rear mirror kung saan alam niyang nakatingin ako.

Normal na biruan at asaran lang naman namin 'yon. Simulan pa noong magkakilala kami sa Dating Site hanggang sa naging magkasintahan ay puno ng biruan ang aming nga araw.

"Hindi ka talaga nauumay iangkas ako?" pangungulit muli niya na ngiti lang naman ang isinukli ko. Sa mata na lang niya siguro nakita dahil naka facemask ako.

Pero halos mapatigil ako sa pagmamaneho sa sunod niyang katanungan matapos ang matagal na katahimikan.

"Mahal mo pa ba ako?"

Alam naman niya siguro ang sagot ko sa katanungan niyang 'yon. Siya naman ang bigla na lang huminto ang pagiging masaya sa akin. Siya naman talaga ang biglang huminto ang pagibig sa akin.

Pero hindi pa ba obvious? Araw-araw kahit kailangan kong kumayod sa initan dahil natanggal sa regular na trabaho ay nagagawa ko pa rin siyang daanan. Wala kasi siya doon nung halos ikamatay kong literal ang kaniyang pangiiwan dahil lang nawalan ako ng pinagkakakitan.

Itinahimik ko na lang ang bibig at sinabi sa sariling huling beses ko na din itong gagawin. Malapit na rin naman kami sa kaniyang tutunguin.

Kung sabagay. Ako rin naman ang may gusto kaya araw-araw kong inaabangan ang kaniyang pagbubooking. Hindi ko na rin siya sisingilin.

Alam ko namang barya lang yon sa kaniya dahil ang amo niya doon ang pinalit niya sakin. Pero pagdating sa drop off ay may lakas ng loob kong sasabihin.

"Angkas rider mo na lang ako ngayon. Bukas na bukas ititigil ko na 'tong pagka praning ko."

"Nauumay na rin akong mag panggap na akin ka pa din."


~~



posted from Bloggeroid


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin