image credits: artists & illustrators |
Pinagmasdan ko muna siya sa malayo bago ko siya tuluyang lapitan. Ang distansya ng aming pagkatao ay milya at mahirap paniwalaan. Parang ngiti lang niya ang sinadya ko doon sa complex at maari na akong umuwi. Ramdam na ramdan ko kung gaano ako kapalad na makakilala ng isang tulad niya. Gusto ko siyang pasalamatan sa pagdating niya sa buhay ko ngunit hindi na kailangan, wala siyang ideya kung gaano niya ako napapasaya.
Nakatayo lang siya doon na parang ibinaba siya sa mundong hindi niya kilala. Tila usok na ng kalsada ang nahihiyang kumapit sa natatanging kagandahan niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili kung may mamuong pawis sa kaniya sa paghihintay niya sa'kin doon. Kailangan ko na palang magmadali, matagal kl ring hinintay ang pagkakataong ito pero hindi sa ganitong paraan. Ganon talaga siguro, minsan swerte minsan naman ay quota quota sa kamalasan.
Naniniwala akong baliw siya dahil ako ang napili niya. Pero naniniwala siyang mahal niya ako. Sana lang ay nagawa kong panatilihin ang paniniwala niyang 'yon. At kung ano man ang dahilan kung bakit nagbago ang isip niya sana ay kaya ko pang balikan para baguhin. Kung ganon lang sana kadali, sana kanina pa ako tumawid para halikan siya sa kaniyang pisngi at sabihing-pasensya kana't napaghintay kita mahal.
"Tagal mo!?" may pagka irita niyang sabi pero pansing hindi pa namam siya galit.
"Sorry hirap magparking. Saan ba yon?" mabilis ko namang sagot
"D'yan lang naman. Tara." kaniyang anyaya.
Nakatayo lang ako't naliligo sa pawis. Tuliro ako habang siya ay nagsimula nang maglakad na parang handa siyang iwan ako doon kung hindi ako kikilos agad.
"Bakit ako?" pabulong kong tanong pero narinig niya 'yon at nagpatigil sa kaniyang paglalakad.
Ilang segundo pa bago siya makasagot ngunit sinamahan niya ng magandang ngiti ang kaniyang paglingon at sinabing-"Diba nga bawal makita ng groom pag sinusukat ko? Tara na Drin :)"
~
posted from Bloggeroid
omg u still write!!! we lost contact, ano na FB mo? ceps dee ako sa FB ha. :)
ReplyDeleteIkaw kasi Senyor biglang nawala :D
Delete