Wednesday, September 16, 2020

Planeta ni Sarah

credits: derek_ye
Isang malagkit na titig na naman sa larawan ng aking pinakamamahal. Araw araw akong gigising na nandito siya sa aking tabi kahit larawan lang naman talaga niya ang nandoon at unan lang naman talaga ang yakap ko't hindi siya, ni hindi pa nga napunasan ang natuyot kong laway sa mukha ay siya pa rin ang una kong inalala.

Kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya ako matanggap ay hindi ko rin alam. Hindi naman ako nagsawang baguhin ang sarili ayon sa mga ninanais niya, halos hindi ko na nga rin kilala ang aking sarili. Hindi ko alam kung bakit pero tila lalo pang lumalabo ang pagasa ko sa kaniya kahit pa sinasabi niyang maghintay lang ako-parang pagsasabi ng Gobyerno na umaayos na ang lahat para maging kampante tayo pero pansin mo sa sarili na lalo lang lumalala ang kalagayan ng mga kaso ng cornbeef 19 na yan sa bansa.

Sana, sana may taong kayang gumising sa'kin. Isang taong kaya akong iligtas at hilahing papalabas sa kinalalagyan kong butas. Hindi kasi ako pinanganak na gwapo kaya malabo pa sa face shield na suot ko na mangyari ang araw na 'yan. Hindi ko na alam kung saan pa ako pwedeng lumagay, malawak na nga ang earth may social distancing pa, pano ako magkakajowa? Ewan ko, ang alam ko lang ay gusto ko nang makawala sa mundo ni Sarah.


~


#TiktikKalawang


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin