credits: prison photography |
Malayo sa aking tahanan, walang patutunguhan, malabo ang pagkatao't isipan. Kung ako'y nasaan, doon matao ngunit walang nilalaman. Sa aking tainga ay ang lumang awitin ang naiwan, awitin mula sa kababawan ng lupang tinatapakan na aking palang kakambal.
Ang pising ng pagasang hindi naputol at aking sinudan. Ngayon ay pabalik na ang iko't upang higit na paliitin ang mundo kong ginagalawan. Ang panahon ay lumipas at puno na ng pundasyon ang aking rehas. Puno ito ng lungkot at pangako ng pagbabago na hindi naman nalalayo sa labas.
Maghihintay ako na walang kasabikan. Aasa ako na walang paniniwala. Lalaban ako ng walamh tagapagsalita. Magdurusa ako na walang pagkakasala. Hindi aasahang ako pa'y maiintindihan. Matagal ko nang tinanggap na ang buhay ay isang sugal, at wala sa mga baraha ang napili kong tayaan.
~

posted from Bloggeroid
No comments:
Post a Comment