image credits: wendy bray |
Nakahiga sa damuhan na parang walang problema sa buhay. Dama ang buntong hinga ng kalikasan sa aking balat, sa mata ay pagkilos ng mga ulap lang ang tanging palabas. Ngunit pagtumbalik sa realidad, ako'y nasa kwarto lang, tinatakasan ang liwanag hanggang sa tuluyang ang gabi ay sumapit na.
Kasabay sa paglisan ng liwanag ang tila unti-unting pagkaubos ng aking pagkatao. Bawas sa panahong may naidagdag sana sa mga karanasan sa'king buhay. Ang libro ng aking kasaysayan, bilang sa daliri ang pahina at walang tema na nilalaman.
Hinihintay ko lang tawagin niya ang aking pangalan. Sawa na akong sumulat ng malulungkot na kwento para tapalan ang butas kung saan masisilip ang malungkot kong buhay. Higit pa siguro sa kahit anong klaseng droga ang kailangan para matakasan ang aking sakit na hindi ramdam.
Sa pagdating ng panahon na iyon. Ipapaalala ko sa aking sarili na ang buhay ay sadyang panandalian lamang. Na ang ating paghinga ay pagsasanay lamang para sa kasunod nating kabanata. Marahil ay ito ang dahilan, kung bakit hindi ko na ninais makita pa kung pano at gaano katagal namuhay ang iba.

~
posted from Bloggeroid
No comments:
Post a Comment