Sunday, November 11, 2012

Insomya



Binilang ko na ang makikinang na tala
Muntik pa nga akong mahulog sa bintana
Sumaydbyu na rin ako na parang tilapia
Ngunit paghimbing ay madulas sa aking mata

Isipin lang kita'y tila lilipad na
Ngunit paano ngayong sa akin ay tampururot ka
Magising kaya ako na nag goodmorning text ka?
Baka galit parin at 'di makaisip na mangamusta

Ganito din noong nililigawan kita
'Di makatulog sa pagiisip ng patok na linya
Ano ba ang sa'yo ko'y nakita?
Hindi ba't gwapo lang naman ang ginagayuma?

Hiwaga parin ang katotohanang napasagot kita
Kaya nga pati ako ay napa nganga
Misteryosang kagandahan mo saan ba nakuha?
Hanggang ngayo'y 'di maibalik nalaglag kong panga

Kung kaya nga't ako ngayo'y nagaalala
Isang pitik lang kaya mo akong ipagpalit sa iba
Tulo uhog pa ngang naglasing sa aming bubungan
'Wag naman sanang mangyari ang kinatatakutan

Itutulog ko nalang ayaw pang pagbigyan ng unan
Ikukubli ko nalang, kumot ay bitin naman
Mananaginip na lamang, insomya naman ang kalaban
Hindi dalawin ng antok at walang mapaglibangan

Hayaan mo, hindi ko iisipin ang mga hadlang
Mananatili akong tapat sa ating sumpaan
Kaginhawahan ng diwa ang isiping ganon ka din naman
Kaya paghimbing sa wakas ay aking nakamtan

Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

6 comments:

  1. its too way deep. i couldn't breathe. nice one! keep doing more.

    ReplyDelete
  2. madamdamin ang tula ramdam ko ung emosyon...

    minsan dahil sa love kung bakit nahihirapan tayong matulog hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. madaming beses sir jon hehehe ^__^

      Delete
  3. i laughed about the gwapo lang ang ginagayuma! kung makapamintas sa sarili, wagas! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe nakakapagtaka nga naman kasi ate lala ^__^

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin