Tama rin ang tinuran ni The Rock sa sinabi n'yang "I Bring It", sila naman talagang mga WWE Superstars noon ang dahilan kung bakit madami ang naadilk sa panonood ng wrestling. Nakakabagot isipin na ngayon kahit special episodes/matches (WWE PPV Events) na ang ipalabas nila wala parin sa bewang ng entertainment na ibinigay sa atin ng mga labanang Ultimate Warrior vs Undertaker, Shawn (HBK) Michaels vs Bret (Hitman) Hart, at Stone Cold Steve Austin vs The Rock. Kaya naman ang wrestling ngayon ay sa Youtube nalang nakakakuha ng maraming views, sa telebisyon kung bumaba ang ratings eh babaguhin nila ang storyline para manatili ang mga tagapanood. Kaya nga WWE Champion parin si CM Punk hanggang ngayon, dahil s'ya nalang yata ang natitirang may dating pa para sa mga wrestling fans na noon pa man ay nakatutok na sa bawat episodes.
May nakita akong article sa DF Blog, ang pamagat ay "What Happened to Wresting?", pareho kami nung author non na naghahanap ng real wrestling whereabouts (lol), ibig ko lang sabihin ay pareho kami hanap-hanap namin ay yung dating wrestling, real wrestling. (Paanong real? eh 'diba scripted naman yan?) Noong grade 4 ako akala ko rin eh totoo, pero hindi na po kami mga bata, alam po namin na scripted ang wrestling, entertainment naman po ang hanap namin, yun bang ikasisiya ng mga manonood, entertainment na hindi maibigay ng makabagong wrestling, at marami ang disappointed sa bagay na 'yon.
Matagal rin na huminto ako sa panonood ng wrestling, hindi dahil nahuli na ang jumper naming cable kun'di dahil hindi na ako nagagandahan sa mga episodes ng SmackDown at RAW. Pero noong sinubukan kong manood ulit, tila ba ilaw na muling nagbigay ng liwanag ang napanood kong pagbabalik ni HHH (Triple H) sa WWE. Linggo-linggo nanaman akong nakatutok sa panonood kahit galing pa sa trabahong nakakapagod. Nakakatuwang isipin non nagbalik ang isa sa nga idolo ko, maging si Brock Lesnar na gumawa na ng pangalan sa UFC ay nagbalik rin sa wrestling. Nagkaroon pa ng special night kung saan nagbalik ang mga WWE Legends at Hall of Famers gaya ng Degeneration X (DX), at The Destruction Brothers. Ganon pa man, hindi pa gaanong nagiigting ang thrill level ko sa panonood ay pumangit nanaman ang stroryline ng WWE at muli ay tinamad ako, ganon din siguro ang maraming WWE fans sa loob ng globo.
Opisyal na nagretire si Triple H (The Game) sa wrestling, patunay doon ang sa wakas ay pagbisita niya sa barberya para magpagupit. Simula palang noong nagsimula s'ya sa wrestling ay palaging mahaba ang buhok niya, kung wala naman sa loob ng ring ay nakatali lang ito para hindi naman mukhang mananakit kapag nasalubong siya sa kalsada. Ipinaalam ng sa wakas ay pagpapagupit niya ang katotohanan na huling pagkakataon na pala ng WWE fans na makita s'yang sumabak sa wrestling ang natapos n'yang laban kung saan tinalo s'ya ni Brock Lesnar. Nasagot ang katanungan ng WWE Universe na "The Game is over na nga ba?". Ganon pa man ay hindi malilimutan ang naiambag niya sa wrestling, isa s'yang legend at alam kong mapupunta siya sa WWE Hall of Fame ano man ang mangyari. Pero meron pang isang katanungan na naiwan, "Game Over na nga ba ang Wrestling?" may pagasa pa bang bumalik ang dating WWE? o mabubulok nalang ito sa mga makabagong kakornihan? May mga bagong wrestler ngayon na hindi pa malaman kung magaangat ba o' magpapalubog lamang sa imahe ng Pro Wrestling kaya ang sagot sa katanungan ay hindi parin malaman, malaking question mark sa ulo ng mga wrestling fans tulad ko.
bata pa lamang ako nakikita ko na mahilig ang lolo kong manood.. hanggang sa nakikinood na rin ako...
ReplyDeleteNaaliw din ako noon hanggang sa napadalas ang panonood ko..
Nung tumagal... naglahao na lang.... nabawasan kasi ung interest ng mga tao nung nababalita na.... gimik lang o un bang di naman totoo --- dinadaya lang ang laban...
Pero dumating sa point na naghanap ako ng laban... pero kapag nanonood ako... pumapasok talaga sa isip ko na baka fake ung laban ... un bang kunwari sinisipa pero di naman tinatamaan hehehe
pero aaminin ko nag eenjoy talaga ako noon... ngayon lang medyo hindi kasi di na ako nakakapanood...
parehas pala tayo sir jon...
Deletepero ako syempre nood-nood parin kapag may time.. hindi lang talaga napapainit ng mga episodes ang aking kinauupuan..