"Isa ako sa mga naniniwala na hindi mo kailangang pakawalan ang isang tao para lang malaman kung kusa ba itong babalik sa'yo 'o tatalikuran ka na lamang nito. Kailangan naman talaga nating ipaglaban ang pag-ibig 'di ba? Hindi 'yon bastang ipapatangay na lang natin sa galaw ng hangin at ipauubaya sa guhit ng tadhana."
"Anong nangyari? I mean, masyadong malalim ang pagmamahal mo sa kaniya. Pero bakit hindi nalagyan ng happy ending ang kwento niyo?" singit ni Vince, isang Blogger
Walang narinig si Arjhay, kahit pa ang malakas na pagsirena ng Bus na siguradong gumambala sa taping nila Bossing doon, kahit ang paulit-ulit na pagpindot ni Vince sa ulo ng kaniyang bolpen hindi maagaw kahit konting galaw ng paningin lamang ni Arjhay. Kahit siguro yumanig ang lupang kinatatayuan, hindi matitinag si Arjhay.
Nabagot na rin si Vince, sa pagaakalang wala nang balak na magbahagi ng kwento ang kaibigan at katrabahong si Arjhay. Itatago na ni Vince ang kaniyang kwaderno at panulat nang biglang humarap at akmang magsasalita ang kaniyang kaibigan. Unang bigkas, sa wakas agad ang nasabi ni Vince.
"Wala na akong kayang ikwento pa sa'yo."
"Haaa!?" gulat ni Vince sa sinabi ni Arjhay
"Akala ko ba Writer ka? Kaya mo nang gawan ng sarili mong ending 'yon 'diba? Nag-emote na nga ako eh."
"Hindi ako Writer, ilang beses ko ba sasabihin Blogger ako."
"Haa!?" nalito rin si Arjhay
"Huwag mo na nga akong lokohin, alam ko! Merong something kaya palagi kang nandito sa lugar na 'to! Share mo na sakin, kailangan ko kasing makasulat ng true to life love stories para sa tema ng blog ko."
"Oh eh akala ko ba Writer ka? Kaya mo na 'yon."
(Umuusok ang ilong ni Vince)
Nagpatuloy ang pagrereklamo ni Vince habang muling tinanaw ni Arjhay ang paalam ng haring araw sa kanila. Sa isip niya, tama nga naman si Vince, mayroong isang dahilan kung bakit binabalik-balikan pa rin niya ang lugar na 'yon. Isang araw na hindi malimot dahil doon niya nakilala ang pinakamagandang dalaga na nasilayan niya sa kaniyang buhay. Tila isang panaginip na natupad na sa paglubog ng araw ay magpapaalam rin pala at walang uugnay upang mas mapalapit pa pagdating ng bukas.
"Kung naging mas matapang lang sana ako." biglang imik ni Arjhay
"Bakit?..." lumunok pa ng laway si Vince sa pagasang matutuloy na ang naudlot na kwento ng kaibigan
"Tama ka Vince, siya ang dahilan kung bakit ako palaging narito. Siya ang dahilan kung bakit pinpilit kong makahabol at makarating bago mag takip-silim. Dahilan kung bakit ko tinatanaw ang pagtatalo ng liwanag at dilim. Sa hangganan ng malawak na tubig ko pilit ikinukulay ang damdamin ng araw na iyon. Sa himpapawid, larawan niyang likha ng aking puso't isip ang sa akin ay magpapangiti. Isang araw na palaging aalalahanin, dahil ang araw na iyon ang tangi kong alaala tungkol sa kaniya, ang tangi naming alaala."
"You mean one night stand?" mabilis na tanong ni Vince
(Binatukan ni Arjhay si Vince)
"Nagdadrama ako tapos ganon lang pala sasabihin mo."
"Eh kasi hindi ko maintindihan."
"Writer ka ba talaga? Siguro kung yung iba na gets na nila 'yon."
"Blogger nga ako eh! Unli?"
"Ha? Anong pinagkaiba non?"
"Wala akong maisusulat niyan eh, ano bang pangalan nung girl?"
(Tumigil ang isang Jeep sa kanilang likuran)
(Si Vince lang ang lumingon habang nakatulala pa rin si Arjhay sa malayo kahit madilim na)
"Kuya hindi kapa uuwi? Sabay na tayo"
Nabosesan ni Arjhay ang babae. May halong kabog pa ang kaniyang paglingon sa magkapatid.
"Ay, si Arjhay nga pala, workmate ko." 'ika ni Vince na tatalikod na sana para simulang pumara ng jeep
"Kilala ko siya kuya, dito nga kami nagkakilala."
(Tumaas ang kilay at napamulagat ang mata ni Vince)
Halong hiya at tuwa ang mapapansin kay Arjhay habang nakangiti ang magkapatid. Tusong ngiti ang kay Vince, kilig na ngiti naman ang kay Valerie. At bago pa makaalis ang magkapatid, nagiwan ng thumbs up na senyas si Vince sa binta ng jeep para sa kaibigang si Arjhay habang sinasabi sa sarili, "Magiging masaya at mahabang storya ito."
Mahirap ngang pakawalan ang isang tao para lamang malaman kung babalik pa ito o hindi na... kung mahal mo wag mo ng pakawalan....
ReplyDeleteAng kulit lang ng usapan nila... na miss ko mga ganyang kakwentuhan...
Okay ang story... napapangiti ako... galing mo talaga...
hehe medyo nag alangan nga ako sir jon at baka korning korni story nnman ang kalabasan.. salamat sa pagbasa kaibigan ^___^
Deletenapadaan muna pero babalikan ko para basahin ng buo... nasa office eh...
ReplyDeletesalamat senyor heheh kaso mahabang sabaw ito hehe.
DeleteDone reading. 'Yung totoo, kailangan kong basahin ulit kasi medyo naligaw ako papuntang dulo. Astig 'to! Hindi sabaw!
DeleteGusto ko 'yung pahaging na usapan about Blogger Vs Writer...
Dahil jan, magkita nga tayo nila Ampoy! hehehe
magulo rin kasi ang isip ng nagsulat heheh ^__^
Delete