Tuesday, January 14, 2014

Para sa Aking Minamahal


credits: popular mechanics
"Welcome back!" masayang bati ng buong Pamilya kay Sheila. Naroon ang kaniyang Ama, ang kaniyang Ina, mga kapatid at maraming kamaganak. Maagang humaplos ang luha sa mga pisngi ni Sheila. Gusto niyang mayakap agad-agad ang bawat isa sa kanila ngunit kailangan pa nilang pilahan si Sheila na nakaupo sa de-gulong niyang silya.

Beso dito beso doon halik doon, hindi magkamaliw ngunit umaapaw ang tuwa at kagalakan sa puso ni Sheila. Mayroong masasarap na putahe sa mesa, may tarpaulin pa sa entrada ng tahanan na parang siya'y nangibang bayan. Ngunit lahat ng 'yon, lahat ng paghahandang iyon ay pagpapabatid kay Sheila na kahit kailan ay hindi siya itinuring na iba ng kaniyang Pamilya. "Ano pa man ang mangyari. Ang Pamilya ay mananatiling Pamilya." dagdag pa ng kaniyang Ama na hindi na napigilan ang pagluha

Handa na si Sheila, handa na siyang magsalita sa harapan ng lahat. Agad na pinagkaguluhan ang kalong niyang sanggol na kanina pang sabik makalong ng kaniyang mga magulang at kapatid, si Yasie ang kaniyang supling ang naging bituin ng gabi. Ngunit para kay Sheila, ang dapat na ipagdiwang ay ang Buhay, Buhay na iniligtas at hindi pinabayaan ng kaniyang minamahal na Asawa.

"Para po sa aking Minamahal ang gabing ito. Opo, nagawa po naming hindi makinig at patuloy na ipaglaban ang aming pagmamahalan. Noong nalaman ko na buntis ako, natakot po ako sa kung ano ang magiging reaksyon niya. Ngunit sa gabi ng aksidenteng hindi naman natin ginustong maganap, pinrotektahan niya kami kahit pa na maging kapalit nito ay ang sarili niyang buhay, tulad ng ipinangako niya noong malaman niyang dinadala ko na si Yasie sa aking sinapupunan. Ligtas po kami ni Yassie, kaya sana po ay wala kayong galit na nararamdaman para sa kaniya. Alam ko pong masaya siya para sa amin, ang gabing ito ay para sa pagmamahal niya sa amin, ang gabing ito ay para sa kaniya."



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

4 comments:

  1. AY, sad. Posthumous child pala si Yasie. Hmmmnnn... Medyo I find it OA na may tarpaulin knowing na namatay yung asawa. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. magulo lang siguro isip ko. tsaka sa pagod hehe ok na yan nand'yan na eh.

      Delete
  2. kaka sad naman.... maikli pero buo ang kwento...

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabaw nga sir jon hehe. pero maraming salamat sa pagbabasa ^_^

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin