Thursday, January 9, 2014

Ginikanan


credits: tourist heaven
Hindi mabilang ang magagandang tanawin at destinasyon ang nadaanan ng Bus na sinasakyan ni Ricky ngunit walang galak man lang na maaaninag sa kaniya. Katabi niya ang kaniyang Ama at tila California King Bed ang drama, 10,000 miles apart ang kanilang pagitan. Lalim ng galit ang dahilan ang dahilan kung bakit madadawit pa ang pride kung sakaling lilingon siya sa kaniyang katabi.

Kahit sa buong buhay niya'y ganito kalamig ang naging pakikitungo niya sa kaniyang Ama, masayang alaala pa rin ang iiwan ni Ricky sa Maynila, dahil sa mga kaibigan at mga bagay nakasanayan. May angking talino si Ricky, na nagamit niya upang mapagaral ang sarili at hindi umasa sa kaniyang Ama. Ngunit hindi niya inakala, na kakailanganin pa niyang sa probinsya mag kolehiyo. Isang desisyon ng kaniyang Ama na tutol siya ngunit wala na siyang magagawa.

Maaliwalas ang paligid noong sila'y makababa sa sasakyan, ang hindi maintindihan ni Ricky ay kung bakit kailangan nilang bumaba at pumasok sa isang kilalang pasyalan. Hindi na bago kay Ricky ang loob ng pasyalan kung saan tila sila'y nasa ilalim tubig at kabilang sila sa iba't-bang uri ng magagandang hayop na nabubuhay sa ilalim ng karagatan.

Natigil sa paglalakad si Ricky nang mapansin niyang tumigil ang kaniyang Ama. Nilapitan niya ang kaniyang Ama kahit hindi niya alam kung ano ang iniisip nito habang nakatanaw sa likod ng salamin kasama ng iba pang namamasyal doon.

"Anak, alam kong wala akong karapatan itanong ito ngunit kahit minsan naging mabuti ba akong Ama para sa'yo?"

Hindi nakapagsalita si Ricky na ibinaba na rin ang mga bitbit niyang bag.

"Alam mo anak, totoo yung sinasabi nila na huwag ipilit ang mga bagay, kung hindi ito para sa'yo, kung hindi ito tama, o kung hindi na ito maitutuwid."

"Bakit niyo po sinasabi sa 'kin yan?" sagot ni Ricky na hindi naman nakatingin sa kaniyang Ama

"Mali ako anak, maaga akong sumuko sa amin ng Mama mo, pero sa'yo hindi ako sumuko. Pero ganon pala talaga ang isang tao, kapag alam niyang may kulang sa kaniya, hahanap-hanapin niya ang sarili niya. Aral 'yon na naituro mo sa akin. Nagkamali ako, at dahil sa pagkakamaling 'yon ay kailangan kong magsimulang muli, para hanapin ang lugar ko, para hanapin ang aking sarili. Bago 'yon gagawin ko muna ang tama, bagay na matagal ko nang dapat ginawa."
"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Hindi na nakasagot ang kaniyang Ama kay Ricky, may yumakap kay Ricky mula sa likod, ang kaniyang Ina na huli niyang nakita ay napakaliit pa niya. Walang kasing saya si Ricky humaplos ang luha sa kaniyang pisngi't tila ang oras ay pansamantalang tumigil. Matagal niyang hinintay ang araw na 'yon, ang muling makasama ang kaniyang Ina. Ngunit wala na doon ang kaniyang Ama ng maisipan niya itong pasalamatan at yakapin. Ang kaniyang Ama na dinala lamang pala siya sa isang bagay na matagal niyang hinanap, isang bagay na alam nitong makapagpapasaya sa kaniyang Anak.

"Ma', mali si Papa kung sa tingin niya'y sasama ako sa'yo na hindi siya kasama. Sundan po natin siya." may pagaalalang wika ni Ricky sa kaniyang Ina

Hindi inakala ni Ricky na ang puntong 'yon pala ay ang punto kung saan kailangan na niyang mamili. Dahil sa kaniyang paghakbang paalis ay bumitaw sa kaniya ang kamay ng kaniyang Ina.



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

5 comments:

  1. Ang bigat nito. Ang hirap mamili kung ako ang nasa katayuan ni Ricky. Grabe ka. Saan mo naiisip ang mga ganitong kwento. As usual, magaling.

    Nag-iwan ng malaking tanong ang wakas. Luvet!

    Maiba ako, mas gusto ko ang dati mong header na gumagalaw. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi na ba gumagalaw? hehe. hirap humanap ng matinong image hosting site.

      Delete
    2. naku pagalawin mo yan... or else ako na lang ang papagalaw. hehe

      Delete
  2. awts... ang hirap ng sitwasyon na ito :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. mahirap nga kaibigan pero kailangan talaga mamili.

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin