Sunday, January 12, 2014

Matuto Kang Lumipad


credits: sulit real estate
"Hindi kayo ipapadala doon para magsayaw." biro ni Sir Adesana na bumasag sa pagiging tahimik at seryoso ng lahat sa loob ng orientation room. Kahit ang katabi kong inakala kong tipong mahinhin ay hindi nakapagpigil. Posturang-postura ang bawat isa sa amin dahil sa pagaakalang 'yon na ang araw na pinakahihintay namin. Mga salita ni Sir Adesana ang tanging nakapagpatigil sa pagtagaktak ng aking pawis ng sabihin niyang bukas pa malalaman ang results at doon na rin ang final interview ng mga papalaring mapipili sa amin.

"Magkalayo na nga tayo, lalayo ka pang palalo sa akin!" maagang natapos ang orientation namin, tanghaling tapat 'yon ngunit agad akong mumultohin ng mga salita ni Cherrilyn. "Ayaw mo na ba sa akin?", "Ganito na lang ba tayo palagi?". Hindi ko alam kung namamasahero lang ba ang driver kaya mabagal ang andar ng jeep, o dahil sa dami ng aking iniisip at sa bigat na hatid nito sa akin. Ang masamang mood ng panahon, ang masamang ipinapahiwatig ng mga ulap, parang naghihintay na lang na bumigay ako at isuko na ang lahat.

Naalala ko si Papa, gusto kong isipin na katabi ko lang siya at narito para gawin ang kaugalian niyang palihim na pagmasdan ako't basahin ang aking mga iniisip. Sana ganon lang kadali ang makauwi sa probinsya upang s'yay mabisita. Kung makikita at malalaman niya ang sitwasyon ko ngayon ano kayang sasabihin n'ya? Oo nga naman, ang paborito niyang idikta sa aking linya, "Matuto kang lumipad, matuto kang sundin ang dinidikta ng loob mo." Dahil naniniwala s'yang kaya ko, nawawalan lang ako ng tiwala sa aking kakayahan. Bahagyang mapapangiti ako sa pagiisip-Bakit nga ba hindi na ako natuto.

"Sa atin lang ito ha, sigurado nang makalipad ka pa-japan. Kaunti lang ang skilled workers na nagapply kaya 'wag kang mawawala." masayang bati ni Sir Adesana sa pagaakalang 'yon ang dahilan kaya ko siya tinawagan. "Sir hindi na po ako tutuloy sa Japan." sagot ko na hindi niya inasahan

"Bakit naman?"

Kusa nang pinutol doon ng palyado kong unli promo ang aming paguusap. Hindi ko nasabi ang dahilan, ang hindi natuloy na pagbuhos ng ulan, ang pagsilip muli ng liwanag, liwanag sa aking isip at kainaman ng nararamdaman. Pupuntahan ko si Cherrilyn, kahit pa malayo, kahit saan, mamahalin ko siya at hindi iiwan, alam kong dahil sa pag-ibig ay masaya kaming mamumuhay. Ngunit bago ang lahat ay pupuntahan ko si Papa, magpapasalamat ako't ipapaalam sa kaniya na siya ang inspirasyon ko sa buhay. Ipagpapaalam ko ang aking mga plano, "Pakakasalan ko na po siya. Sayang Papa, matutupad ko ang hiling mo noon na makasal ako, imposible man na makarating ka, sana sa langit ay masaya ka para sa amin, para sa akin."



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

8 comments:

  1. Tama, matuto tayong lumipad. sabi nga, when you learn how to fly, walking becomes boring...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe tama yan sir mar. salamat sa komento at pagbisita ^____^

      Delete
  2. may naalala tuloy ako... parang nalungkot naman ako....

    sabagay nga tama nga naman....mas magandang pumili kung ano ang dinidikta ng puso....

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama yon sir jon, dahil doon naman talaga ang ikaliligaya ng isang tao ^_^

      Delete
  3. lintik ka. tagos sa laman. argh! alam mo naman ang kahinaan ko diba? torn ako sa desisyon niyang sundin ang puso at isantabi ang paglipad sa ibang bayan. sayang ang opportunity pero may kung anong pitak ang ending... galin as usual!

    Natutuwa ako at hindi masyadong mahaba ang kwento pero ang lakas ng impact!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe ou father and son at drama hehe. medyo nagmamadali dahil kailangan ko ng beauty rest niyan para sa interview. hehe charot.

      Delete
  4. Anonymous08:53

    "...nawawalan lang ako ng tiwala sa sarili kong kakayahan " relate lang.

    I wish i have that kind of relationship with my dad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. never too late kaibigan sa iyong dad ^__^ tiwala lang lagi sa sarili, importante 'yan :)

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin