Wednesday, January 22, 2014

Saro


credits: image host
Totoo ang sinabi kong mamahalin ko siya habang ako'y nabubuhay. Mali lang siguro na sinabi ko 'yon noong hindi pa siya handa. Siguro nga, ako naman talaga ang hindi handa, walang trabaho, tamad mag-aral, at sa Bahala Na palagi inaasa ang bukas.

Nasa jeep kami papuntang Pedro Gil non. Parang akong timang na hindi alam ang gagawin, pipindutin ang like button at pipindutin muli upang ma-unlike. Alam kong nakatingin sa akin si Cherry, hindi lang makapagsalita dahil na rin sa katahimikan na sumasakop sa lahat sa loob ng jeep.

Ilang pasahero lang ang bababa at kailangan ko nang harapin ang galit ni Cherry dahil sa kanina ko pang pinagmamasdang larawan ni Yuniece at ng kaniyang napangasawa sa aking telepono. "Hindi maka move-on?" 'ika niya noong nagkaroon ng pagkakataon makapagsalita dahil marami ang bumaba

Napangiti ako at ni-like ang larawan na walang pagaalinlangan. Katulad ni Yuniece, marapat ko ngang pahalagahan kung ano ang meron ako ngayon, kung ano ang nasa akin, at mahalin ito ng buong puso. Bilang sukli sa pagpapahalaga at pagmamahal na iniaalay rin sa akin. Tulad ng sabi ni Yuniece noon sa akin-kung matututunan mong maging masaya ngayon, hindi ka mapapako sa nakaraan. Nakangiti si Yuniece sa larawan, kaya hindi rin lungkot ang dapat nitong ihatid sa akin kun'di saya para sa dating kasintahan.

"Para po!" nagulat pa ang nagtatampo sa akin na si Cherry, malayo pa kasi ang lugar na sinabi kong pupuntahan namin. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at nginitian siya kahit halatang hindi pa humuhupa ang inis niya sa akin. "Sino bang pupuntahan natin dito?"

Sosyal, pinagbuksan pa kami ng pintuan sa magarbong resto. Kahit papaano ay napangiti si Cherry ng malamang wala kaming katatagpuin tungkol sa aking trabaho, dahil ang gabi na iyon ay pinaghandaan ko ng husto, ang gabing 'yon ay para sa aming dalawa lamang. "Dito po" anyaya ng waiter sa amin habang tinatanggal ang reserved note sa mesa. "Sir, handa na po ang lahat pati ang singsing." bulong pa sa akin



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

3 comments:

  1. Naku kinakabahan ako sa proposal. Baka humindi si Cherry. Gudlak. Ang dalas natin sa kwentong pag-ibig lately ah. Hehehe

    ReplyDelete
  2. Naku kinakabahan ako sa proposal. Baka humindi si Cherry. Gudlak. Ang dalas natin sa kwentong pag-ibig lately ah. Hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. tagumpay yan.. nagpapaselos lang naman siya hehe ^__^

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin