credits: apple caballero |
Sabi niya siya daw ang malas na dumating sa buhay ko, palagi niyang iginigiit na kung hindi siya ang napili ko ay mas maayos siguro ako't walang kung anu-anong pinoproblema sa buhay. Ang hindi niya alam siya ang lason na umatake sa puso't isip ko simula pa noong una ko siyang makita, lason na malugod kong niyakap at tinaggap upang kalaunan ay maging gamot saki'ng kalungkutan at pangungulila sa pagmamahal ng isang kasintahan.
Ngumingiti siya'ng magisa habang nakatingin sa telepono niya. Ang ngiting 'yon, ngiting matagal kong hinintay na muling makita para pawiin ang lahat ng aking pagod. Siguro ay may nagpatawa na naman sa aming group chat, o 'di kaya'y minamasdan niya ang larawan ko na ipinadala ko bago ako matulog kagabi. Kung bakit ba kasi pinaghiwalay pa kami ng shift, araw-araw tuloy ay nadadagdagan ang pangungulila ko sa kaniya. Kahit pagod na ang mga paa ko'y una paring naisip kung saan ko siya ngayon magandang igala.
Siya nga talaga ang Rafonsel ng aking buhay. Ang prinsessa ko na hinihintay ng masugid ang pagdating ko doon kahit talo sa pamasahe kung dadaanan niya pa ako kahit naka marka ang pangalan niya ngayon sa mga nabiyayaan ng pahinga. Mahal na mahal ko siya, ipaparamdam ko 'yon sa kaniya kasabay sa pagbawi sa mga pagkukulang ko sa mga araw na hindi kami magkasama.
San ka?- tahimik kong mensahe sa kaniya at nagkunwaring hindi ko pa siya nakita kahit nandoon na ako sa likod niya. Ilang segundo rin ng pagpipindot niya ang hinintay ko matapos niyang mabasa ang mensahe kong 'yon. Tapos na siyang pumindot, ibinaba na niya ang telepono at tumanaw sa mga paparating na katrabaho. Tapos na ngunit hindi tumunog ang telepono ko kahit hindi ko naman ito naisilent mode.
Tahimik na lamang akong lumayo sa kaniya dahil sa aking pagtataka. Tahimik na hakbang kahit biglang bumigat na damdamin ang aking dala. Magmamadali ba ako sa aking paghakbang? Lilingunin ko pa ba siya sa kaniyang kinauupuan? Sasaktan ko pa ba ang sarili para malaman kung sino ang kaniyang inaabangan. Dilim ang bumalot sa akin nang maisip na baka hindi nga ako ang sadya niya roon. Hindi ko agad naisip restday ko din nga pala ngayon sinadya ko lang na pumasok pa rin at magpumilit.
posted from Bloggeroid
Ang ganda dhie magaling pa rin
ReplyDelete