Wednesday, March 13, 2024

Mayaman sa Kaluwalhatian

photo credits @ don pablo
Si Ralf. Bata pa lang ay manghang-mangha na sa ganda sa mga disensyo, sining, at istraktura ng Simbahan. Lalo kung ramdam na ang diwa ng kapaskuhan. Sa tuwing magsisimba ay may hindi maipaliwanag na kagalakan siyang nararamdaman. Sa mura niyang isip-"Magiging nasa ayos at masaya ang lahat kapag ikaw ay may takot sa Diyos at sa kaniyang Kaluwalhatian.".

Si Ralf, tuwing Mahal na Araw ay isinasama ng kaniyang Papa para magsimba sa Diyos Ama. Doon ay napapatulala siya sa mga naghahandang mag penitensya. Sa pag hiwa, sa pag papahirap, sa pag lalakad sa initan, hanggang sa maibaba ang krus sa huling simbahan, ang tanong sa isip niya-bakit kaya kailangang gawin ang mga ito ng mga namamanata?

Si Ralf. Tanung-tanong sa mura niyang isip kung anong pinagkaiba ng panata sa pananampalataya. Mabait kaba dahil nagsisimba ka? Makasalanan kaba dahil hindi ka pala Dasal?. Nakakakilabot isiping bata palang siya pero takot na takot na sa kasabihang "Hindi ka mapupunta sa langit." kaya lumaking mabuti at mapagbigay sa kapwa kahit sukli sa kaniya ay tukso at panghahamak.

Si Ralf, kahit ilang beses sinubok ng tadhana. Kahit muntik mawala ang magulang sa kaniya ay mas lalo pang nalapit sa Panginoon. Lumaking siyang mayaman sa Pananampalataya. Lumaking siyang mayaman sa Kaluwalhatian. Kahit ang Pag-ibig at mga kagustuhan ay kinalumutan. Upang ang Diyos ay mapagsilbihan sa Kaniyang Tahanan.


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin