Thursday, March 14, 2024

Pugay sa Patay

photo credits @museo ng muntinlupa

Sa mundo ay namaalam
Mga Mahal ay naiwan
Hindi man kagustuhan
Buhay ay may kawakasan

Pinagpagurang karangyaan
Ipapamana sa mga naiwan
Mga taon na ginugol sa tahanan
Nakatayong saksi sa pinagkahirapan

Araw na hindi mapaghandaan
Dulo ng ating mga pagdaraanan
Mga lungkot na ating maiiwan
Lilipas din at makakalimutan

Uulan sa kaisipan ng lahat ang iyong kabutihan
Aalalahanin nila ang ambag mo sa lipunan
Alamat at Bayani kung ikaw ay kanilang bansagan
Ngunit ito'y matapos lang ang iyong pamamaalam


~~





Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin