Wednesday, March 13, 2024

Higanteng Pagtanggap

photo credits @ denkpositief
Hindi pa rin makapaniwala si Isabelle. Katabi niya ngayon ang isang binata. May kaya sa buhay, nakapagtapos ng pagaaral, may sariling bahay at sasakyan, may trabahong hindi patay-buhay, at higit sa lahat ay walang sabit. Baka nga nahihiya lang itong magsabi, dahil pansin niyang wala pa itong masyadong alam sa pakikipag talik.

Sa isip ni Isabelle, paano kaya kung seryosohin niya ang panliligaw ng bata? Nagdadalawang isip siya dahil natatakot na baka pag nalaman nito ang lahat ng duming pinagdaanan niya ay magbago din ang isip ng binata. Kahit pa nangangako ito sa kaniya ng maayos at tapat na relasyon, hindi maiaalis sa isip ito ni Isabelle lalo pa't madami na ang nang hit and run sa kaniya.

Gustong bumalik ni Isabelle sa kaniyang kabataan. Baguhin ang kaniyang kapalaran. Iwasan ang mga hakbang na alam niyang ikakasira niya lang. At huwag nang pahintulutan sa puso niya ang mga taong alam niyang sisira lang ito at ang kaniyang pagkababae. Ngayon tuloy pati ang nananahimik na binata, damay sa galit niya sa mundo.

Totoo. Butil ng buhangin lang tayo sa kalak'han ng ginagalawan nating mundo. Ang damdamin natin maaaring maging mahalaga, maari ding walang kwenta sa ibang tao. Ang inilalagay na lang niya palagi sa puso't isip niya-"Darating din ang para sa'yo, taong iintindi, magmamahal, at maniniwala sa'yo ng walang hinihinging kapalit."

Dahan-dahang bumaling sa kaniya ang binata. Nagising na mayroong ngiti sa mukha dahil si Isabelle agad ang unang nakita. Kahit si Isabelle nga ay nagtataka, bakit hindi niya piniling tumakas tulad ng ginagawa niya sa iba matapos ang gabi ng pagsasama. Wala kasi siyang duda, ang higanteng pagtanggap ng binata sa kaniya, ay ang tunay na pagmamahal na matagal na niyang inaantay.


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin