Sunday, April 23, 2023

Gaano Ko Ikaw Kamahal

photo credits @ynalove

Madaling sabihin ang ating mga nararamdaman. Ngunit sigurado bang tayo ay maiintindihan? Madaling sabihing-nilimot ko na ang nakaraan. Ngunit sa puso mo'y ito ba ang  tunay na nararamdaman? Madaling umibig at magpaibig. Ngunit sigurado bang hindi tayo masasaktan? Madaling sabihing-kaya ko pa naman. Ngunit malalaman ba nila kung gaano ka nahihirapan?

Ako? Kahit hindi mo ako maintindihan. Kahit isipin mong hindi tunay ang aking nararamdaman. Kahit pa mahirapan ako at masaktan. Araw-araw ko pa ring sasabihin at ipaparamdam sa'yo kung gaano ka kahalaga. Walang Ngunit, Pero at Bakit. Kahit hanggang sa oras na hindi mo na masuklian ang aking pagsinta. Ipaparamdam ko pa rin kung gaano ko ikaw kamahal.

Nanlalamig na ba ako? Hindi mo na ba ramdam ang aking Pagibig?
Kung maaari nga lang ipadama ang bawat tibok ng ❤️
Ipabatid ang bigat at lungkot ng bawat ðŸ¥º 
Iparinig ang tuwa at ligaya ng bawat ðŸ˜‚
Iparamdam ang kilig ng bawat ðŸ¤­
Ipadala papunta sa mga labi mo bawat😘

-Ay gagawin ko. Upang wala man ako sayo'ng tabi. Maipaalala ng mga ito sa'yo na Mahal Kita at Mamahalin palagi.



~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin