Saturday, January 21, 2023

Unang Apat

image credits: girlystuff
I

Matagal ng kadiliman lang ang aking nakikita.
Sa aking sarili ay matagal ng naging pabaya.
Dumating ka at hindi na ako muli pang magiisa.
Ngunit dinatnan mong puso'y durog-durog na.






II

Sa mata na bintana ng ating mga kaluluwa.
Makikita kung ano ang sa puso ay nakatanikala.
Kung takot lang palagi ang sa atin ay nagdidikta.
Paanong ang ating mga puso ay magkakaisa.

III

Malilimot ang sakit. Maghihilom ang mga alaala.
Madarama ang totoong pagibig na 'di mo inakala.
Dahil kapag sakripisyo ang gilakip sa pagasa.
Darating at makikita-tunay na ganda ng Nobara.

IV

Sa pagkatao kong madalas maglaho at magiba.
Ikaw ang tuklas na gamot sa'king pagka Tanga.
Nagubang Puso'y hukayin gamit ang iyong Pala.
Walang wakas na tulang ito. Sa akin ay ipaalala.

posted from Bloggeroid


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin