image credits: shutterstock |
Gusto ko na noong nakawin ang sarili kong oras sa reyalidad. Pagisipan ang mga bagay-bagay at mga kaganapan sa buhay. Madaming nakabitin sa aking isip. Habang ang mundo, mas sumisikip at mas nagiging mapanakit.
Wala naman talaga akong pakialam. Kung makakapag asawa paba si Tita Mercy. Kung makakapagbroad pa ba si Johnny. Kung papasa na ba sa board exam si Candy. O kung papatok ba ang pritong palaka business ni Gerry.Yung sa'kin kaya? Bakit kaya hindi ko pa rin alam kung ano'ng gusto kong marating?, Ano'ng gusto kong makamit?. Bakit kaya dito naman ako pinanganak sa Tramo pero parang matagal nakong wala sa sariling tahanan?
Gusto ko nang maramdamang Tao ako, hindi isang Robot ngunit may natutunawang sikmura at napapagod na katawang lupa. Gusto ko nang maging maayos ang lahat. Gusto kong nang maabot ang kaibuturan ng pagiging maligaya.
Trenta y Uno, wala pang napatunayan at nagawa. Magandang buhay ay hinagap na lamang. Mabuti na lang at dumating Siya para baguhin ang lahat. Noong sinabi niyang mayroon akong pagasa sa kaniya, buhay ko talaga ang binigyan niya ng bagong pagasa.
Hindi ko pa rin alam kung paano niya napagaan ang napakabigat kong puso. Akala ko rin, magdaraan lang sa paningin natin ang mga ulap. Si Eri, siya ang manipis na ulap ngunit piniling manatili para bigyan ng kulay ang lahat sa aking buhay.
~~
No comments:
Post a Comment