photo credits: funeralforafriend |
Tapos na ang mga pagdiriwang at pagugulungin nating muli ang mga araw patungong Disyembre. Hindi ang bawat kahapon ang dapat nating alalahanin-'ika niya. Hindi na nga ba dapat pang alalahanin dahil hindi naman talaga kailanman ang mga alaalang dulot nito'y naging maganda?
Oo, Siguro. Mula sa mapanghusgang paningin ng iba. Mga matang sadyang inilalayo sa kaliwanagan. Pero ganon na lang ba isusuko ang libu-libong hakbang na pundasyon ng katauhan? O sa paniniwalang paalam lang ang makakatapos sa sakit ng bawat tinik na maapakan sa madidilim na pinagdaanan?
Anong kulay ng iyong kalungkutan? Bakit sa palagay mo'y kailanman ay hindi ko ito maiintindihan? Mga pansamantala lamang ngunit pinatira na sa damdamin. Bakit dumudungaw sa 'yong mata, ngunit kahit kailan ay hindi makakaalpas sa iyong mga labi. 'Ika ko naman na may lungkot-Mabuti na nga siguro 'yan.
~~
No comments:
Post a Comment