credits: S A D |
Sampung libong distansya ang kaniyang ipinabatid. Hiling lang naman talaga ang Pagibig at sa una pa lang ay alam ko nang mahirap itong makamit. Ngunit bakit pakiramdam ko'y pinatayan ako ng ilaw sa paghahanap ko ng susing sa una palang ay hindi ko alam ang hugis.
Bakit ang hirap itago ng takot? Bakit parang ako lang ang nakakaramdam ng takot? Bakit kahit anong tapang ng isang tao, ang unang makikita parin sa kaniya ay ang mga tinatago niyang pangamba?Tuloy paba? 'Di ba parang nakakatawang katanungan? Bakit hindi ka tutuloy kung alam mo namang matagal mo nang hinintay at ginusto ang isang bagay. Alam na agad niya siguro, na sa mga pagsubok ay napakadali ko lang na masaktan.
Tama siya. Hindi na nga para bumalik pa dahil maiiwan lang ng tumatakbong oras. Ayokong bumitaw ngunit bakit pakiramdam ko'y wala pa naman talagang nakahawak sa akin. Pero malaking pasasalamat dahil alam kong may sumasabay sa akin. Kahit ang mga paa namin wala pang kalinawan kung saan kami dadalahin.
~
No comments:
Post a Comment