credits: helton brewing |
Lahat tayo ay mayroong karanasan ng pakiramdam na darating isang araw sa ating buhay, sa kung ano ang ating sinasabi at ginagawa, na nasambit at nagawa na pala natin noon sa hindi malamang oras at panahon kung saan tayo'y mapapaligiran ng kadiliman ng isipan sa pinakamalayong araw na maaring balikan. Parehong mga mukha, bagay, at pangyayari na alam na alam na natin kung ano'ng sunod na sasambitin o' gagawin ng mga tao sa ating paligid na parang nangyari na rin ito noon pa.
Sa pananaginip mayroong malaking pagkakaiba kung gagawin mo ito ng tulog o gising. Mananaginip ka ng mas matagal sa loob ng limang minuto kung pipikit ka ngunit hahayaan pa ring masilayan ng iyong mga mata ang kaunting liwanag, habang ikaw, hahayaan ang sarili na maging gising pa rin ang diwa tungkol sa kung ano ang mga nasa paligid mo. Mas mahaba kumpara sa mapapanaginipan mo sa loob ng limang gabi na ikaw ay tuluyang pipikit at tuluyang iiwan ang kamalayan sa iyong paligid.
Totoo ang mga panaginip, totoo hanggat ito'y hindi nagwawakas sa ating mga isip. Nais ko pa ngang magtalakay habang ang antok ay hindi ako nilulubayan. Ngunit nandoon na ang katrabaho ko't sinabing baka magkahulihan na. Pesteng buhay nga naman kapag nagtatrabaho ka sa ang pasahod ay provincial, tatamarin at aantukin kang tunay.
~~ o ~~
posted from Bloggeroid
No comments:
Post a Comment