Sunday, May 19, 2019

Last Trip

credits: hezrei escabel
Alam ko namang madali siyang makakahanap. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin. Pagmamahal, madali niya 'yong naituro sa natutulog kong kaluluwa. Alam ko. hindi lang ako naging handa sa pagdating niya.

Alam ko ring hindi puyat ang nagpapahapdi sa aking mga mata sa mga sandaling iyon. Gusto ko siyang yakapin upang hindi maampyasan pa ng bumubuhos na ulan, kung ako lang sana ang kasukob niya sa payong na iyon.


Kasya pa sana ang tatlo, sa last trip na iyon ng jeep mula rosario pa-san isidro, pero sino ba ako para sumabay pa para dalahin ang lahat ng bigat sa higit 'sang oras na pag andar. Kahit isipin pa ng dispatcher na ako'y hibang ay hindi natinag saking kinatatayuan.

Kung sabagay, matagal na akong hibang. Kung kaya rin siguro ako nasa sitwasyong ito'y dahil kahit kailan hindi ko siya ginustong madamay sa lahat ng aking problema't pinagdadaanan, kahit pa sabay sana namin hinarap ang lahat.

Sa unti-unti kong paghakbang papalayo, susubukang alamin kung lungkot o awa ba ang ipinaalam sa akin ng mga mata niya nang muli akong makita. At sa malayo ko pang lakbay, iisipin kung nasaan na kaya kami kung walang nang iwan at sa akin niya napiniling sumabay.


posted from Bloggeroid

Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

3 comments:

  1. Awts! ang sheket

    ReplyDelete
  2. aba napapabisita ka parin pala kaibigan salamat .

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi lang ako madalas mag comment pero nagbabasa ako haha celphone kasi madalas ko gamiting ngayon hindi yung laptop ko hahaha

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin