credits: palisinwonderland |
Ang magagawa ko na lang ngayon ay titigan siya. Pinipilit kong hindi mag auto focus sa dibdib niya pero kapansin pansin ang ginto niyang kuwintas na hindi naman naka sabit noon sa leeg niya. Marahil ay galing yon sa kung sino man ang kasintahan niya ngayon.
'Sa isip ko pa rin ang masakit niyang sinabi na hindi raw kami nababagay. Ang buhok niyang tila binabad sa pabango, ang pawisin kong noo at mumurahing sumbrero. Ang mamahalin niyang mga alahas at ang kwintas ko mula sa Baclaran. Ang sosyal niyang pamumuhay, at ako na sa pananalig sa Diyos lang nakasandal.
Naisip ko, ano kayang ang anyo niya kung pinili niya ring yakapin ang ipinamalas kong pagibig sa kaniya. May kalong kaya siyang bata na hindi niya alam kung papaanong patahanin kung hindi ilalabas ang dibdib niya? May belt bag kaya siya sa kaniyang tagiliran para doon ipunin ang kinita ko sa pamamasada. May bimpo kaya siya sa balikat at bitbit na binalot para ihatid sa'kin sa construction site?.
Kung papansinin siya sa kanyang ayos at kasuotan, masasabi mo agad na nagttrabaho siya sa isang malaking kumpanya at angat siya sa buhay. Mukhang nasa maayos naman siyang kalagayan at patuloy na inaabot ang mga pangarap niya. Hindi ko na para unahan ang pagbati sa kaniya, para lang magpapansin at istorbohin pa siya.
Alam kong alam niyang nasa harapan lang niya ako sa jeep na iyon na aming sinasakyan. Alam ko ring mas pinili na lang niyang titigan ang batok ng driver at ang kalsada kesa lumingon ng kahit isang sulyap lang sa akin.
Habang patuloy ang pagtitig ko sa kaniya, nabaling ang atensyon ko sa Mendiola Peace Arch sa likod niya sa pagdaan dito ng sinasakyan naming jeep. Ispesyal ang lugar na iyon sa amin ni Minda kaya inasahan kong matapos niyang lingunin ang arko ay saakin naman siya titingin. Ayos lang kahit wala nang kasamang ngiti.
Doon ko din tinangal ang tinik ng galit ko noon nang tuluyan niya akong iwan'. Naisip ko pagpapatawad at pagpaparaya ang sagot sa lahat ng sakit na nararamdaman ko noon. Nakakatuwang isipin eksaktong doon ko pa 'yon nagawa sa Peace Arch na kilala bilang tagapaghilom ng galit ng mga mamamayan mula sa pagka ganid ng mga pulitikong sila mismo ang naghalal.
Pero hindi siya lumingon sa akin, iba ang nangyari sa inaasahan. May humablot ng kwintas niya mula sa labas ng jeep. Hindi ko naman alam kung tatayo ba ako sa kinauupuan ko para habulin kung sino man 'yon. Pati ang mga kasakay namin ay nagulat at nagalala para kay Minda, napasigaw kasi siya at nauntog sa paghiklat ng kwintas sa kaniya.
Ilang segundo ng pleasure ang binigay non sa mga usisero't usisera mula sa labas ng jeep. Pati si manong driver napatigil at hindi muna umabante. Ngunit sinabi ni Minda na hindi naman daw totoong ginto iyon pero bigay sa kaniya ng asawa niya kaya ganon na lang kahalaga. dahilan para magtawanan ang iba at iabante na ng driver ang jeep niya.
Sa patuloy na pag andar. Nakahanda na sana akong sumigaw ng para dahil sa maingay na makina pero naunahan ako ni Minda, siya ang unang pumara. Sinundan ko na lang ang pagbaba niya dahil doon din naman talaga ako bababa.
Matapos kaming bumaba, habang may hinahanap siya mula sa loob ng kaniyang bag ay nagkaroon ako ng konting lakas ng loob para kausapin siya.
"Kamusta? Saan ka pupunta?."
'Yon lang at sinalo ko na ang pagtataray ng kaniyang kilay. Wala siyang sinagot at halatang irita dahil nasa likod lang niya ako, inaakala niya sigurong sinusundan ko siya pero doon sa direksyong iyon din naman talaga ang tungo ko.
"Goodmorning I have an scheduled interview sa manager niyo today." Pormal at magandang bati niya sa receptionist ng malaking gusaling iyon.
"Good Ma'am mag log na lang po kayo dito. Nasa likod niyo na naman po si Sir sundan niyo na lang po." sagot sa kaniya nito.
posted from Bloggeroid
THUMBS UP SA SUMULAT!! NAG ENJOY AKO MAGBASA Sakit.info
ReplyDeletesalamat po sir Clar .
Delete