Thursday, June 1, 2023

Makapiling Hanggang Hinaharap?

image credits @viktorija_lapteva
Nakakatuwang isipin.
May kasintahan akong palaging naghihintay sa akin.

Gwapo ako sa kaniyang paningin.
Kaya natatakot akong sa iba siya pa'y tumingin.

Ang sarap kung iisipin.
May katuwang na ako sa lahat ng aking mithiin.

Ang saya kung tatanawin.
Mga alaalang nabuo na at bubuuin pa lang namin.

Nakakapanibago rin.
Cellphone kong dating tahimik ay ring ng ring.

Sa mga nakaraang pagibig kung tutuusin.
Ako pa ang kailangang humingi ng oras nila at pansin.

Kung ako'y papipiliin.
Siya at siya lang at hindi na kailangan pang sabihin.

Kung ako'y tatanungin.
Siya na ang hanggang sa hinaharap ay gusto kong manatiling akin.
At makapiling.


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin