photo credits @wiki |
Alam ng mga anghel at mga propeta na hindi madilim ang aking pagnanasa. Sa katunayan, ito ang liwanag sa bawat kong pagtulog, ang panaginip na inaabangan, ang tamis na kahit sa pagtulog lang ay nararamdamanm, ang nagpapangiti kahit naaalimpungatan, ang nagpapasaya kahit matinding pagod ang bigay ng buong araw na pagaaral at paninilbihan. Siya lang naman ang ligaya ko kahit lahat ng ito ay hindi pa niya alam.
Magulo ang aking isip. Alam kong malaki ang posibilidad na hindi naman ako magustuhan ni Rosella. Siguradong ang mga tipo niya ay gwapo at may erap. Ayoko naman talaga siyang pagisipan ng ganon lalo pa't kaibigan at kilala ko siya. Pero iba talaga ang mga babae sa panahon ngayon. Kung sabagay, kung ako nga ay hindi matatawag na "in" sa kinabibilangan kong henerasyon, ano pa kaya sa puso ng babaeng pinapangarap ko?.
Nagaalab ang aking pagtingin, sa babaeng hindi ko naman alam kung magkakagusto din sa akin. Nakatulala ako sa hangin, iniisip ang mga pwedeng mangyari sa isang taon na lang namin pagsusunog ng kilay sa Calamba Institute. Kaya nga nagka dahilan siya para ako ay sampalin pabalik sa reality at sinabing-"Ayy si Edison hindi nakikinig sakin." dagdag na biro pa niya, "Ano bang iniisip mo? Future natin?". Kaya naman naisiwalat ko na ang aking pagtingin na matagal ko ng inililihim.
Kung ano mga sunod na mangyayari ay bahala na, basta't nalaman niya ang nangyayari sa aking nagaalab at magulong isip. Pusong siya ang liyab na nagpapainit at utak at kamalayan na siya lang ang palaging iniisip.
~~
No comments:
Post a Comment