photo credits @vrogue.co |
Ilang taon din inalagaan ni Silvia ang kaniyang Ama. Halos hindi na nga nabigyan ng pansin ang sarili. Parang ilang taon pa lang noong pumanaw ang kaniyang Ina, ngayon naman ay ang Ama niya. Kung bakit kasi ang mga karamdamang maagapan at malulunasan naman sana, sa mga may kaya sa buhay lang malinaw ang pagasa. Para sa aming mga kapos-palad, bawat karamdaman ay isang sakuna na wala kang ibang magagawa kundi' hintayin ang paghupa.
Para mabuhay ay kailangan naming magpatuloy. Muling tatawirin ang ilog, tutulayin ang nakatumbang puno, titiisin ang init, at isasantabi ang aming pagod. Alam kong balang araw ay magbabago din ang aming mga kapalaran. Makakatikim din ng ginhawa. Makakaranas din ng araw na puno lang ng saya. Hindi pa ngayon ngunit alam kong sa pananalig at pagsusumikap ay makukulayan din ang bawat madidilim na ulap at sisilip ang bughaw na kalangitan.
Nakapwesto na kami noong muling bumuhos ang mga luha sa mata ni Silvia. Ramdam kong ayaw na niyang magpatuloy. Kung sabagay ay para saan pa. Isang araw ay matatapos din ang pagtugtog at pagawit namin sa tapat Simbahan ng Sta. Rosa De Lima. Dalangin ko na lang, kung palarin man ako kapag tuluyang nagtapat kay Silvia ay makaya kong siyang itaguyod at maiahon sa hirap na aming kinalalagyan. Sa ngayon ay magpapatuloy muna.
Bitbit ang aking mga pangarap, tangan ang aking Gitara. Baon ang mga walang kupas na tugtuging itunuro ng aking Ama na simula pagkabata ay kinabisa. Ang muskika naman ay si Silvia, ang tipa ko sa gitara at ang tinig na magmumula sa kaniya ang pagasa namin sa pabarya-baryang magtatawid sa aming mga pamilya, pamilya na sa kaniya ngayon ay wala na. Kung kaya nga sa Mata ng Musika, lungkot ang tangi mong makikita't madadama.

~~
No comments:
Post a Comment