credits: vera |
Kung ako ang tatanungin. Sariwang sariwa pa ang lahat sa akin. Sa akin, para kang isang bituin sa kadiliman ng langit, na mawala mang saglit sa pagdumo ng liwanag, sa gabi ay alam kong magbabalik para muli kong masilayan. Malayo, mahirap abutin, at walang kamatayan ang ningning, ganoon kita kung isipin.
Kung kaya nga siguro sa dibdib ko ay may takot din. Kahit minsan kang nahawakan. Sa taas mo't kagandahan, ang isiping muli mo akong mapagbibigyan ay kahibangan na lamang. Hindi ka para bumaba sa kinalalagyang kalangitan para muling subukin ang liwanag na maaaring idulot ng muling pagmamahalan natin.
Ngunit bakit sa tuwing ika'y kakausapin, parang ibinababa mo na rin ang sarili sa akin. Walang malay mong naiihahatid ang saya sa akin, na hiling ko namang naibibigay ko rin sa iyo sa mga simpleng paguusap ng ating mga ngiti. Isa kang panaginip, isang panaginip na nagbibigay ng lubos na ligaya sa akin. Naging hangal ako dati, ngunit ngayong tayo'y unti-unting nagkakalapit nang muli. Ayoko nang magising sa totoong panaginip.
~~ o ~~
posted from Bloggeroid
No comments:
Post a Comment