Sunday, July 30, 2023

Tadhana sa Sisayd

photo credits @moa_seaside
Hindi naman talaga ako naniniwala sa hiwaga, himala, hula o anuman. Hindi nga maipaliwanag ni Charles Darwin kung bakit laging mas tama ang mga babae kesa sa lalake. Hindi nga tumataya ng lotto ang mga maghuhula, nandun lang sila sa Quiapo matyagang naghihintay ng maiisahan. Hindi rin maipaliwanag ng science kung bakit moderno na pero kailngang makaluma pa rin ang gawi ng panliligaw ko kay Sheena.



Saturday, July 29, 2023

Hindi Tayo Nagiisa

photo credits @tonite_abante
Sa pagbukas ng telebisyon ng aking Mahal, kahit anong istasyon niya ilagay ay pareho lang ang ulo ng mga ulat. Ang parating na bagyo daw ay kasing lakas ng super typhoon noon na sa amin ay gumimbal at sumira sa aming tahanan. Ang alaala ng delubyong iyon ay hindi pa nga nawawala sa aking isipan.



Thursday, July 27, 2023

wabi-sabi

photo credits @istockphoto
Sa bawat tinatago ng ating damdamin
Naka kubli ang sakit na hindi natin maamin
Bawat ngiti na sa kanila'y tinakpan natin
Ligaya pala nila ang ipinagkakait natin



Wednesday, July 26, 2023

Raztinela

art credits @artsper
Kinuha mong lahat ng aking paniniwala
Sa maling pagibig ako'y pinaniwala

Hinayaan kitang lahat ay makuha
Kahit nagpapanggap akong hindi dukha

Sa kabila ng lahat ng aking ginawa
Sayo ako pa rin ay hindi tumutugma

Sayo ako pa rin ay puro salita
At kahit kailan ay walang magagawa


Saturday, July 22, 2023

Paikot-ikot Lang Naman Tayo

photo credits @cheapings.top
"Paikot-ikot lang naman tayo." Sabi ko kay Machie, nung naghahanap siya ng kung ano sa paligid. Anong pwedeng makain, anong pwedeng mabili, anong pwedeng tignan, anong pwedeng usisain, at anong pwedeng pagkwentuhan. Kanina pa kami palakad-lakad, nakailang labas-'masok na rin kami sa mall, at mga pamilihan sa daan. Hindi kaya marami na syang naisip gawin at bilihin pero hindi pa kasi ako humugot sa aking bulsa. Sana hindi. Dahil wala rin naman kasi akong masyadong dalang erap.



Friday, July 21, 2023

Hindi Ka Ba Nauumay Sakin?

photo credits @pxfuel
"Hindi ka ba nauumay sakin?" tanong ni Ira na may halong pag aalala. Kahit pa alam naman niya ang sagot ko sa tanong niya. Kahit pa ang nakakaumay lang naman talaga ay ang paulit-ulit na pagtatanong niya.

"San ba tayo ngayon Love?" sagot ko naman na halatang paraan ng pag skip ko sa tanong niya.



Thursday, July 20, 2023

Anak ng Magmamais

photo credits @gettyimage
Ibang iba na ang Taysan. Malayo sa ating dating ginagalawan. Hindi naman talaga ako nasanay dito, ang pagbisita ng pamilya namin dito madalas hindi tumatagal ng isang buwan. Dati, taun-taon kaming nandito para mamasko sa mga Tiyo at Tiya, Ninong at Ninang. Pero habang tumatanda dumalang na. Masakit aminin pero parang nagpupunta na lang kami kapag kailangan nang magpaalam sa kanila sa huling pagkakataon at ipakita ang pakikiramay. Pati ang Lolo't Lola, humaba ang buhay pero alaala na lang rin sila ng aking kabataan.



Tuesday, July 18, 2023

Ating Daungan

photo credits @ynalove
Hindi mapapagod ang bibig ni Wena ipaalam sa akin kung gaano siya kapalad. Sa tagal ng panahon, makakatagpo din pala siya ng isang tulad ko. Aminadong hindi perpekto ngunit para sa kaniya ako ay natupad na pangarap. Ang lalaking ituturing siyang prinsesa, ang lalaking rerespetuhin ang pagka babae niya, lalaking pakikinggan at iintindihin ang nga nararamdaman niya, lalaking sasama sa kaniya kahit saan, lalaking handang hingiin muna ang kamay ng magulang niya bago ang sa kaniya.



Monday, July 17, 2023

Walang Alam na Pag-ibig

art credits @saachiart
Nagising akong lasing padin sa katotohanan. Kagabi, ilang dating kasintahan kaya ang sinubukan kong tawagan? Siguradong pinagtawanan ang hibang nilang kainuman. Walang-wala na pero naghahanap pa rin ng sa kanila'y maipagmamayabang. Bakit kasi hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan. Kung bawat relasyong nagdaan na ang patunay na ako'y kaiwan-iwan.



Sunday, July 16, 2023

Carroza

photo credits @fdipostassic
Sabi ko. "Ang bilis mo maglakad. Para kang walang kasama, palagi nalang akong naiiwan." at alam mong nagtatampo ako kaya naman agad kang tumitigil para maghintay sa akin. Parang sa relasyon din natin, alam mong nabibilisan ako sa'yo pero palagi mong ipapadama sa akin na handa kang maghintay para sa akin, na maging handa na ako sa lahat ng laban na sabay nating haharapin.


Friday, July 14, 2023

Somno

image credits @99designs
Paligid-ligid lang ang mga tinig
Nagsasabing ang bangka ko'y tagilid
Ngunit sa kanila'y 'di padadaig
At ipagpapatuloy ang aking pagibig



Kalimbahin

photo credits @phstar
Kainitan ng tanghali ang pagdaan sakin ni Bernard. Mahinahon siya at naka gayak. Malayo sa normal niyang pagsundo sa akin na akala mo'y palagi akong may pagkakautang sa kaniya kung tumawag para pababain ako sa salas. Pati si Mama at Papa ay nanibago sa kaniya. Bukod sa matagal nang hindi napabisita ang aking kaibigan, sa pagkakataong ito pa ay dire-derecho niya akong tinungo sa aking higaan.



Thursday, July 13, 2023

novufes

credits @wallpaper_crafter
Masayang araw na sana ang tinuldukan mo sa'yong pagdaan sa aking harapan. Ano pa noong hinila mo palabas ang upuan na parang bawal dikitan ng bacteria ang iyong mga kamay. Nakuha pang lumingon sa akin at dahil sa itim na shades ay tumaas na kilay lang ang nakita ko't nang inis pang palalo sa akin. Nakakatawa lang isipin. Minsan kong minahal ang isang katulad mong mapagmalaki at feeling magaling.



Tuesday, July 11, 2023

Sa Ating Mga Sukdulan

credits @wallpaper_sad_love
Sa aking mga mata'y subukan mo akong titigan
Kaya mo pa kayang ibigay sa akin ang kaligtasan?

Alamin ang aking mga kasinungalingan
At ituwid ang mga ito sayong pamamaraan?

Maging musika na nais kong mapakinggan
At sa iyong malambing na tinig ako'y iyong iduyan?


Saturday, July 8, 2023

Liwanag sa Laoag

photo credits @dirk_sigmund
May nakatagong mensahe ang hindi niya pag ngiti at pagsasalita. Nakaupo sa batong nakursunada. Nakahanda nang postura para mag tampisaw ngunit salumbaba niya ang bigat ng masungit na mukha. Siya naman talaga ang nagyaya ngunit parang hinihintay lang niyang may malaglagan ng buko sa aming mga kasama. Sa arkilang sasakyan pa lang ay nabutas na ang aking bulsa. Ngunit literal na mukhang hindi ko pa rin napasaya ang aking Sinta.


Friday, July 7, 2023

Silweta

image credits @istock
Bumyahe kahit walang patutunguhan
Hinahanap ang sa buhay ko'y kabuluhan
Silweta mo'y patuloy na nararamdaman
Na parang kailanama'y hindi ka lumisan

Muling magdiriwang sa aking kalungkutan
Ang mga mata kong gustong magpaulan
Tila maitim na ulap na wala namang laman
Kalubhaan ang sa akin ay tanging naiwan



Thursday, July 6, 2023

Sa Manati

photo credits @travelingmorion
Magkasama nating tatakbuhin muli ang tuktok ng Manati sa aking isip. Mga batang isip. At walang ibang inisip kun'di ang pagbilis ng panahon para ang kalayaan ng pagdedesisyon sa buhay ay makamit. Nandoon ang puno ng Balete na ating sandalan, bulungan, at takbuhan. Kung tutuusin, ikaw talaga ang lahat ng 'yon sakin. At hiling kong sana ako sayo ay ganon din.



Wednesday, July 5, 2023

Binangonan

photo credits @iamnoempty
Natagpuan kitang may bigat sa 'yong mga mata. Nagtatanong sa'yong sarili at tila naghihintay lang ng makakausap para ilabas ang mga kasakitang hindi mo inakalang mararanasan mo sa'yong buhay. Kahit saglit lang ay kakayanan mong manlunod ng isang damdamin at sa kaniya'y iparamdam na-wala ang lahat ng 'yong karanasan sa bawat pilay na masakit kong binangunan.



Monday, July 3, 2023

Yna Miranda

photo credits @acelove

Naalala ko noon. Ako mismo ang naghahanap ng paraan para pasayahin ang sarili. Gagala kung saan, kakain ng anumang maibigan, hahanap ng mapaglilibangan, hahanap ng bagong mapagkakaabalahan, at magpapatangay sa paa san man ang maisip nitong puntahan.




All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.