Friday, November 13, 2015

Ha Ha Ha



credits: lucy paton
Ginawa ko ang lahat ng sinabi ko. Na handa akong hamakin ang lahat. Handa akong lumakad gaano man kahirap. Na handa akong lumublob, umakyat, at magtiis gaano pa man kahirap para lang marating ang lupang kasing taas mo. Baon lang ay ang pangako sa sariling huli na iyon.


Wednesday, September 23, 2015

Bangon na Juan!

credits: chuacharlene
Bumangon ka Juan
Ang higaan mo'y iwan
Diwa ay buksan

Bagong umaga
Sa'yo ay naghihintay
Hamunin siya

Katawang pagod
Kung para sa pamilya
Handang isabak



Wednesday, August 12, 2015

Saro 2


credits: lester mirabueno
Tulad ng inasahan ay doon ka nga dumaan at agad mo akong natanaw. Walang maitutulad sayo'ng kagandahan kaya sana'y alisin na ang pangamba't takot sa iyong mukha. Huwag kang magalala, ito na ang huling pagkakataong sarili ko'y sasaktan.

Isuot na sanang muli ang saya sa iyong mukha. Sayang naidudulot ng pagiisip na natanggap ko na ring ang pamamagitan natin na'y nagwakas. Maging masaya na lang para sa akin, dahil katotohanan ay kaya nang harapin. Nandito lang ako, makikinig, magaabang. Dala lang ay pagasang alam kong matagal mo nang sinukuan.



Saturday, August 8, 2015

Ang Mga Torpe Sa Rooftop


credits: ernst haas
"Uyy!" Ganon na lang ang gulat ni Jess. Hindi niya kasi inasahan ang ginawa ni Keisha na akala niya ay tahimik na tatabi lang sa kaniya katulad ng palagi nitong ginagawa sa tuwing aakyat sa rooftop ng bliss sa ilalim ng water tank kung saan sila madalas maupo lang at magpalipad ng mga oras. Idagdag pa na cellphone niya ang ibinato ni Keisha sa kawalan na bagong bili pa naman.


Wednesday, July 29, 2015

Get Well Soon Pending Facebook Friend


Matagal na din pala tayong 'di nagkita, ang totoo, hindi ko na rin 'bilang kung ilang taon na ang tila inumit lang ng panahon.

Kilala mo pa kaya ako? ako yung patpatin na manliligaw ng klasmeyt mo noong hayskul.

Oo, ako yung gusto mo na'ng abutan ng panyo sa sobrang pagpapawis at kaba noong una 'kong makipagkita sa kaniya.



Wednesday, July 22, 2015

Hanggang Kailan


credits: the killers vevo
"Hanggang saan tayo?" simpleng tanong sana na maaaring ibato ng bigla' sa'yo.

"Hanggang kailan tayo ganito?" kung malakas lang sana ang loob ko.

Akap mo ako't angkas ka sa'king motorsiklo. Sa liku-likong mga daan tulad ng mabilis na pagbabago ng 'yong isipan. Salamat na rin, sa tuwing kailangan ng kaibiga'y ako ang tinatawagan.


Monday, July 6, 2015

Dear Lieza, Bagyo Ka Ba?


credits: shashank rawat
Nakasakay na ako ng bus noong dumating ka,
Nagawa ko na lang ay tanawin ka mula sa bintana.
Ramdam ko ang bigat at galit sa iyong mata
Hindi ko naman talaga alam na darating ka,
Nakapaghanda sana't 'di na kailangan magdahilan pa.



Monday, June 22, 2015

Hidwa


credits: triciagosintian
Upang mapatawad ay kailangan ring magpatawad. Nagiisa ngayon ngunit hindi maaaring sa buwan na lang ilahad ang lahat. At kung bakit kailangang may tinik na maiwan, sa pagsabog ng matagal ng nanahimik na bibig ng isa't-isa lang matutuklasan. Ramdam mo rin kayang may kulang? Kulang na sa simula pa lang ay hindi naman talaga natin napunan.



Tuesday, June 16, 2015

Airam


credits: benjamin simeneta
Nakasalumbaba na naman siya. Halatang malalim ang iniisip. Parang isang pagkakataong maihahambing sa matagal na mga panahon nang lumipas na doon mo palagi siya makikita. Pero siya na lang ang naiwan sa palaruang iyon na dati ay palaging takbuhan naming magkakaibigan kahit pa noong kami'y naging mga binata't dalaga na. Pero iba na ngayon, may Pamilya na ang iba, at may kaniya-kan'yang pinagkakaabalahan na ang ilan.


Monday, June 15, 2015

Suroy


"Iba't ibang lugar. May taglay na panibagong mukha sa bawat tagtuyot kong bisita. Matanda na ako-sigaw sa'kin ng City Hall at Cathedral. Mahal ko ang Bayang aking sinilangan, sa piling niya 'ko nangarap na mamayagpag at umunlad. Ngunit makakalayo pala kaming dagok at pagsubok lang ang kayang tanawin sa mga naiwan naming yapak."


Wednesday, June 3, 2015

Andan


credits: cartoon woman
Alam n'yang hinihintay ko siya doon, matamis na ngiti naman ang kaniyang ipinangsalubong ngunit walang kibua't walang imikan pa rin naming baybaybayin ang tabing dagat, malayo sa dating masaya, mga binuong alaala.

Mas gusto pa n'yang masdan na lang ang bawat n'yang hakbang sa buhangin kesa ako'y kausapin. Kung hindi pa liparin ng hangin ang sombrerong tanging panangga niya sa init ay hindi lilingunin ang magandang tanawin na kanina pang gustong agawin ang kaniyang pansin.


Tuesday, March 3, 2015

Payo Lang Po


credits: cartoon stock
"Ang Pag-ibig nga naman, laganap na tulad ng nais mangyari ni John Lennon noon pa man. Ngunit sa kabila nito'y masakit ding tanggapin ang realidad na tinuran ni Ricky Lee. May quota daw ang pag-ibig, at sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya. Hindi ako eksperto, lalong hindi nagmamagaling tungkol sa mga usaping tulad nito, ngunit hayaan n'yo sana akong magbigay ng ilang payo sa inyo. Sa abot ng aking kaalaman at kakayahan. Ito ang Sampung Yugto ng Pag-ibig, at aking mga payo sa oras na ito'y inyo nang kakaharapin" (Patnubay ng magulang ay kinakailangan)



Friday, February 27, 2015

Alaot



Kahit ilang parinig,
Kahit pakunwaring kausapin ang sarili sa salamin,
Walang pipigil sa mga hakbang na pagalis na ang tungkulin.


Monday, February 23, 2015

Ef-el-és


credits: saj dimaks
"Kamusta ang gala?" mensahe ni Angie sa telepono na siguradong may espirito ng inis at pangungunsensya. Pano nga ba'ng 'di n'ya malalamang hindi na naman ako pumasok at gumala lang kung iisang klase lang naman ang aming pinapasukan. Klase kung saan kami tinuturuan ng wikang hapon at ineensayo bilang paghahanda sa pangingibang bansa para doon maghanapbuhay.


Monday, February 16, 2015

Y Medya


credits: gladiola sotomayor
Alas singko y medya, tuluyang sisikat sa atin ang umaga. Ramdam pa rin ang init ng yakap mo sa'kin mula ng tayo'y tuluyang mahimbing. Hindi ko alam kung bakit, ilang umaga ka na ring walang imik sa ating pag gising. Panay lang ang ngiti mo sa akin na pa-misteryo pa kung ano ang nagawa kong nagpakilig sayo na 'di ko naman alam kung papaanong uulitin.


Sunday, January 25, 2015

Mandala


credits: special to the daily news
Maaring maling tulay ang aking tinawid, maling daan ang aking tinahak. Kung ikaw at ikaw rin naman ang hanap, alam kong hindi nasasayang ang panahong aking nilalagap.

Darating sa puntong kailangan nang pagdesisyunan. Tama ba o' mali, magpapatuloy ba o' hindi. Ngunit sa lakbay na puso ang s'yang sakin ay gumagabay, alam kong bubuo sa aking pagkatao ang aking patutunguhan.



Saturday, January 24, 2015

Mien


credits: 3i_nastynurses
Handang itaya ang buhay para lang malaman ang 'yong pangalan. Makikipag patintero sa malalaking sasakyan, kahit sinong maitulak ay walang pakialam.

Parang isang himala ang ika'y makita, kahit mula sa malayo ka natanaw ay 'di pa rin makapaniwala. Parang sa The Face of Love ang eksena, nakikipagbiruan ba sa'kin ang sarili kong mga mata.


Thursday, January 22, 2015

Si Ka-Turding na First Time ma-MMC


credits: ignatian solidarity network
Tawag niya ang 'ngalan ko sa tinig na tila nagaanyaya sa isang tao na managinip. Hindi, hindi n'ya tinawag ang pangalan ko, imahinasyon ko lamang siguro, pero nakangiti siya, nakangiti s'ya parang gustong tanggalin ang lahat ng problema na aking iniisip.

Halos abot-kamay ko na siya, ang makapangyarihan n'yang kamay na magpapagaang sa lahat ng aking nararamdaman. Pasasalamat ang sa'kin dahil sa wakas ang Santo Papa ay nakita na ko rin. Ngunit mabilis s'yang naglaho sa'king paningin. Ganon din kabilis nagkulasan ang mga taong nakapaligid sa akin.


Bukong


credits: brenda grant artwork

Sumama ka sa'kin
Magpagpapaikut-ikot sa kalayaan
Maglalaro sa kawalan



Wednesday, January 21, 2015

Suero


credits: mauro masin
"Matagal na titig, may halong pagiisip kung ngingitian ba siya o' hindi. May takot na hindi maipaliwanag kung saan nanggagaling. Pagtataka at puno ng pangamba ang damdamin."

"Huwag kang mag alala. Nasa tabi mo lang kami." 'ika ni Brandon, kahit alam na wala namang iimikin sa kaniya si Jackie. Pagaalala ni Brandon-'wag sanang maunang humingi ng salamin si Jackie bago pa magbalik ang kaniyang alaala.


Thursday, January 8, 2015

Ating Langit


credits: hataw tabloid

Isang gabing matahimik,
Sa ilalim ng buwan, ika'y kapiling
Ilaw n'yang sa ilog ay lalo pang pang akit,
Bawat ngiti mong saan ma'y 'di ipagpapalit


Thursday, January 1, 2015

My Taglish Proposal


credits: sean wroe
"Nakakabingi ang katahimikan ng gabing iyon, habang mga mata ang gumagawa ng bawat pangungusap. Habang hinahabol ang kabog ng dibdib, at pinipilit unawain ang sinasabi ng damdamin."

May mahaba at kumplikadong kuwento ang pag-iibigan namin ni Steph, ngunit hayaan nyong paikliin ko na lamang sa inyo. May mga pangakong naging kasing taas ng mga bituin, ganoon din kataas ang pagbagsak, para simulan. All time lovers na 6moths kung mag celebrate ng monthsarry sa isang taon, halimbawa. Suyuan, Bukingan, Tampuhan, Selos, lahat kasama sa usapan.



All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.