credits: lester mirabueno |
Isuot na sanang muli ang saya sa iyong mukha. Sayang naidudulot ng pagiisip na natanggap ko na ring ang pamamagitan natin na'y nagwakas. Maging masaya na lang para sa akin, dahil katotohanan ay kaya nang harapin. Nandito lang ako, makikinig, magaabang. Dala lang ay pagasang alam kong matagal mo nang sinukuan.
Ngiti ang isinukli ko sa nagtatanong mong mga mata. Kung kaya bahagyang binigyan mo rin ng ngiti at buong loob nang hinarap ang pintuan. Kasabay ng paglaya ng ating mga damdamin ay nagliparan ang isang grupo ng mga ibon, kung nakikita mo lang rin sana mula sa 'king kinatatayuan, tila pinababatid nilang naayon sa tadhana ang mga desisyon na ating ginagawa.
Hindi ko namalayan, sila pala'y nagaklasan dahil pala sa pagbatingaw ng kampana. Hindi ko na namalayan malayo na pala ang nalakad mo patungo sa altar. Paalam, kailangan ko na ring umalis, hanggang doon na lang ang kaya kong matiis.
~~ o ~~
posted from Bloggeroid
No comments:
Post a Comment