Matagal na din pala tayong 'di nagkita, ang totoo, hindi ko na rin 'bilang kung ilang taon na ang tila inumit lang ng panahon.
Kilala mo pa kaya ako? ako yung patpatin na manliligaw ng klasmeyt mo noong hayskul.
Oo, ako yung gusto mo na'ng abutan ng panyo sa sobrang pagpapawis at kaba noong una 'kong makipagkita sa kaniya.
Pero, hindi pa tayo gaanong magkakilala no'n. Ngayon kaya? Ano kaya'ng kumakalembang sa isip mo kapag nadidinig ang pangalan ko?
Shunga? Torpe? o' Mahiyain? sana, isang kaibigan. Tulad ng turing ko rin sa'yo.
Kung kaya nga walang alangan kong pinindot ang send friend request noong makita kita sa facebook.
Hindi na 'ko nagtakang may ihinaba ang pangalan mo dahil na rin sa profile pic mo kung saan suot ang damit pang kasal mo.
Alam mo ba, sa larawan lang na 'yon ay ramdam ko ang saya mo para idisplay pa 'yon sa profile mo?
Kaya ganon na lang din ang gulat at takot ko sa dalang balita sa akin ng kinakapatid ko, kabatch natin noon.
Niloob daw ang apartment na inuupahan niyo at walang awang pinatay ang asawa mo.
At ang magpapalukot pa sa mukha ng bawat makakadinig ay tatlong buwan pa lamang mula noong ikasal kayo.
Sinaktan ka rin daw ng hudas na ang idinahilan lang sa mga pulis ay kailangan daw niya ng pera.
Parang katatapos lang ng SONA, wala na raw ang krimen at kahirapan sa Pilipinas.
Iba talaga ang nadidinig lang at napapanood sa TV sa reyalidad.
Nakikiramay ako sa pagkawala ng iyong asawa.
Salamat at nakaligtas ka kahit malubha ring nasaktan.
Hiling ko na lang, mabilis kang makabangon sa dagok na ito ng kapalaran.
Ang mabilis mong paggaling at pagipod sa mga pangyayaring hindi naman natin inasahan.
Alam ko namang kaya mo yan. 'Di naman ibibigay ng Diyos ang pagsubok kung 'di natin ito kayang lagpasan.
Doon ko pa nga mismong nakita sa facebook photos mo,
"PRAY HARDEST WHEN IT'S HARDEST TO PRAY" ipagppray kita :)
~~ o ~~
No comments:
Post a Comment