Thursday, October 9, 2014

Madaling Araw


credits: oceanne
Madaling araw na naman, makikipagsayaw akong muli sa daan. Alas-tres ng madaling araw, sasabihin sa sariling sana ako'y naging matapang. Susubukang ihain muli ang tanong na sa simula palang ay napagdesisyonan na. Para sa akin na lang ba mali ang ngayo'y 'di tayo magkasama.


Wednesday, October 8, 2014

Ginintuang Milya


credits: k.rol2007
"Nababaliw ka na naman." pabirong tugon niya kay Andy sa telepono sa mensahe nitong "miz u" na mayroon pang kalakipa na larawan kung saan siya'y nakanguso na tila nais magpalipad ng halik papunta sa kasintahan.

Ganon ang mga simpleng bagay na magpapangiti kay Rina sa kabila ng maraming problema. Paminsan, iiwasan na lamang niya ang manood ng balita dahil maaawa lang sa kalunos-lunos na kalagayan ng bansa. Kung mayroon lang sana siyang magagawa.



Monday, August 18, 2014

Feels Like It's Coming


credits: virtual tourist
Parang ang lahat ay gustong asarin ng may four seconds interval na paghilik ni Arvin noong bumalik ako sa cottage para magpaalam na kailangan ko nang umuwi. Ganon pala akong katagal nagbihis.

"Magpapaalam na sana ako, tulog na pala s'ya." 'ika ko kay Cathy na nandoon lang nakasalumbaba't nakatulala sa iba pang mga nagtatampisaw sa tubig habang pilit ipinagkukunwari sa kaniyang sarili na naging masaya ang araw na 'yon, isa-isa na kasing naguwian ang mga kasama namin.



Wednesday, June 11, 2014

Sakayan


credits: dhanan
Wala na nga ang dating pagtingin, o' di kaya'y kahit kailan ay dehins namang ako'y nagkaroon ng malaking puwang sa iyong puso. Oo nga't may dating na extra pogi points at level factor ang malaman ng iba na ang 'sang tulad mo ay minsang pumatol sa akin, pero para saan? Hindi ko rin maintindihan, ang pag-ibig nga ba sa isang tao'y pagbuo ng mga alaala o' pagsubok kung kayo nga ba ang para sa isa't-isa. Mabuti pa nga kung nasa A or B ang sagot kung ikaw ang tatanungin. Alam ko naman at tanggap ko 'yon, na naging walang kapagurang kamay lang ako sa boring at napakabagal mong orasan.


Sunday, March 30, 2014

Monyakis


credits: pedestrian crossing
Miss na taga FEU, hindi ko akalaing ang 'sang tulad mong napakakinis ay sanay na sanay kung makisiksik. Kung ang iba ay nangayaw sumakay sa mala sardinas nang siksikan na jeep, ang waluhang upuan ay nagawa mo pang siyaman nakayo mong isiksik ang sarili.



Saturday, March 8, 2014

Tadhana?


credits: creatiweety
Tatlong taon na ang lumipas. Ngayon ay narito ako't nasa harapan ko siya, ang ulap niyang pisngi, at kalangitang mga mata. Hindi niya alam kung gaano kadaling nawawala ang lahat ng bigat sa akin isipin lamang na magkikita kaming muli, mayayakap ko siya't muling makakasama. Maririnig ang kaniyang tawa, matatanaw ang bawat ngiti, at mahahawakan ang kay gaan niyang mga kamay.



Wednesday, March 5, 2014

Himig ng Pag-ibig


credits: fine art america
Babawiin ng panahon ang bawat gabi't araw na ating binuhay ng musika. Kayang tipahing muli ang gitara, bigyang damdamin ang bawat nota, ngunit wala ka doon upang awitin ang awit na kahit kailan ay 'di ko pinagsawaan lalu pa't napapakinig ito mula sa napakaganda mong tinig.



Sunday, February 9, 2014

Huni ng Isipan


credits: red bubble
"Hanggang sa ngayon ba malungkot ka pa rin?" nakakunot-kilay na tanong ni Jenna kay Aries na siya namang nakatayo lang at nakatanaw sa labas ng bintana. May tinapay at bote ng juice sa mesa ni Aries na naroon lamang upang walang kasamahan ang magyaya sa kaniya upang bumaba at kumain saglit habang break nila sa opisina.


Wednesday, January 29, 2014

Ang Paborito kong Teleserye


credits: all about paye
Magsisimula ang ating kwento syempre sa lugar kung saan rin tayo unang nagkita at nagkakilala. Sa CYA Bldg, isang taga HR, at isang aplikante na halatang hindi naman goal ang matanggap sa trabahong inaapplyan. At d'yan na papasok ang Majika ng unang pagdadaupang palad. Hiwaga ng unang tingin, ng makausap ka'y bumilis ang kabog sa dibdib. "This is it! Got to Believe." bulong pa sa sarili



Tuesday, January 28, 2014

Pagbabalik

credits: definitely filipino

Halos bumbunan na lang ng araw ang aking tanaw
Liwanag ng pamamaalam niya'y sadyang nakakapukaw



Wednesday, January 22, 2014

Saro


credits: image host
Totoo ang sinabi kong mamahalin ko siya habang ako'y nabubuhay. Mali lang siguro na sinabi ko 'yon noong hindi pa siya handa. Siguro nga, ako naman talaga ang hindi handa, walang trabaho, tamad mag-aral, at sa Bahala Na palagi inaasa ang bukas.



Tuesday, January 14, 2014

Para sa Aking Minamahal


credits: popular mechanics
"Welcome back!" masayang bati ng buong Pamilya kay Sheila. Naroon ang kaniyang Ama, ang kaniyang Ina, mga kapatid at maraming kamaganak. Maagang humaplos ang luha sa mga pisngi ni Sheila. Gusto niyang mayakap agad-agad ang bawat isa sa kanila ngunit kailangan pa nilang pilahan si Sheila na nakaupo sa de-gulong niyang silya.



Sunday, January 12, 2014

Matuto Kang Lumipad


credits: sulit real estate
"Hindi kayo ipapadala doon para magsayaw." biro ni Sir Adesana na bumasag sa pagiging tahimik at seryoso ng lahat sa loob ng orientation room. Kahit ang katabi kong inakala kong tipong mahinhin ay hindi nakapagpigil. Posturang-postura ang bawat isa sa amin dahil sa pagaakalang 'yon na ang araw na pinakahihintay namin. Mga salita ni Sir Adesana ang tanging nakapagpatigil sa pagtagaktak ng aking pawis ng sabihin niyang bukas pa malalaman ang results at doon na rin ang final interview ng mga papalaring mapipili sa amin.


Thursday, January 9, 2014

Ginikanan


credits: tourist heaven
Hindi mabilang ang magagandang tanawin at destinasyon ang nadaanan ng Bus na sinasakyan ni Ricky ngunit walang galak man lang na maaaninag sa kaniya. Katabi niya ang kaniyang Ama at tila California King Bed ang drama, 10,000 miles apart ang kanilang pagitan. Lalim ng galit ang dahilan ang dahilan kung bakit madadawit pa ang pride kung sakaling lilingon siya sa kaniyang katabi.


Kay Nena na Namumuhay Magisa


credits: artistiko design
Sa oras na inakala mong nilimot na kita, nilalabanan ko ang pangungulila at pagkasabik na muli kang makasama. Sa oras na maisip mong bigyang lugar ang pagmamahal ko sa iyong puso, ako'y malayo't nakaluwas na.

Hindi panghihinayang ang mga araw na ginugol upang pag-ibig mo'y makamtan. Hindi ako ang sisira sa mga ambisyon at pangarap ng isang tulad mong sa mga magulang ay naulila, at ang mundo'y unti-unti pa lamang nakilala.



Monday, January 6, 2014

Rosemoor


"Mahirap ang lumimot lalo pa kung ito ang ipinangako mong kailanman ay hindi gagawin. Paglimot sa minamahal, sa inyong mga alaala, paglimot sa inyong kwento, at kung saan nagsimula ang lahat. Parang paglimot na rin sa 'minsan mong pagiging masaya, paglimot na minsa'y may kumumpleto sa'yo, sa iyong pagkatao at sa iyong buhay."



All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.