Monday, August 18, 2014

Feels Like It's Coming


credits: virtual tourist
Parang ang lahat ay gustong asarin ng may four seconds interval na paghilik ni Arvin noong bumalik ako sa cottage para magpaalam na kailangan ko nang umuwi. Ganon pala akong katagal nagbihis.

"Magpapaalam na sana ako, tulog na pala s'ya." 'ika ko kay Cathy na nandoon lang nakasalumbaba't nakatulala sa iba pang mga nagtatampisaw sa tubig habang pilit ipinagkukunwari sa kaniyang sarili na naging masaya ang araw na 'yon, isa-isa na kasing naguwian ang mga kasama namin.

Gusto ko muna sanang tawanan ang sitwasyon ni Arvin bago ako maupo sa tabi ni Cathy ngunit napansin kong ang mga tao sa kabilang cottage ay gusto na kaming batuhin ng kamatis, pansit, at kung ano pa mang mahawakan nila dahil naiirita na rin sa nililikhang disturbing music ni Arvin.

"Bakit kasi bawal magdala ng sound system eh." 'usap ko kay Cathy pero kahit kibit-balikat ay wala siyang isinukli. Ilang segundo lang no'n ang lumipas nang mapagtanto kong nasa gitna pala ako ng isang awkward situation-tulog na kaibigan, na ang sabi sa'kin ay ngayon na siya magtatapat kay Cathy, mga katabing cottage na masama ang tingin sa amin, at balisang ex-girlfriend na nakuha ko pang tabihan at subukang kausapin.

"Ganon ka rin ba?" bigkas ni Cathy noong akma akong tatayo at ilalayo ang sarili sa sitwasyong iyon, "Kahit anong gawin kong paglimot, babalik at babalik pa rin sa'kin ang nakaraan, para akong lumalakad ng paatras." dagdag pa n'ya

Hindi ko alam kung senti mode switch on na rin ba dapat ako lalo pa't  nakatalikod siya habang kinakausap ako. Napasandal na lang ako't napatingala sa bubong ng maliit na kubo. Nasabi ko na lang "Kung tungkol sa atin ang bumabagabag sa'yo, hayaan mo natanggap ko na 'yon, kahit alam kong hindi biro ang tatlong taon."

Biglaan na lamang ay humarap siya sa akin at sinabing-"Handa na ako ngayon." na s'ya namang kinagulat at ikinanginig ng mga laman ko. Alam ko kasi na ang tinutukoy niya ay ang isang bagay na hinihiling ko sa kaniya na sa loob ng tatlong taon ay hindi niya naibigay sa akin.

Ayokong ipalabas sa kan'ya na 'yon ang pinaka naging dahilan ng pagkakalabuan namin na sa kasawiang palad ay nauwi sa paghihiwalayan, dahil maniwala kayo't sa hindi ay hindi naman talaga. Ayoko ring ipahiwatig sa kaniya na masaya akong marinig mula sa kaniya 'yon at excited na ako sa mga susunod na maaari pang mangyari, but deep inside my worried mind ay tila mayroong Megan Young na nanalo sa Miss World, at Pacquiao Fan na nakitang tumaob si Floyd.

Sa sobrang tense, nanginginig pa ang kamay ko habang aabutin sana ang isang baso ng tubig sa mesa nang hawakan ni Cathy ang kamay ko upang pigilan. "Wag!" pagtakip pa niya sa bibig dahil nabigla't napalakas ang boses. Hinila niya akong patayo sa aking kinauupuan at ibinulong sa akin-"Hindi mo pwedeng inumin yan dahil nilagyan ko talaga ng pampatulog para hindi na'ko makulit ni Arvin." napatingin kay Arvin at napalunok na lang ako sa sinabi niyang 'yon

"At kung saan kita isasama, hindi ka pwedeng lalamya-lamya sa akin." dagdag ni Cathy



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

6 comments:

  1. Aba matini si Cathy! may sequel ba 'to? Nabitin ako!

    ReplyDelete
  2. nope, try to get back on track lang hehe. specially malapit na ang saranggola, ayokong ma miss. :))

    ReplyDelete
  3. Idol! ang layo ng Sabaw sa Noti haha.

    ReplyDelete
  4. patay tayo jan. :)

    ReplyDelete
  5. Idol Deck! meet naman tayo hawakan moko't hawahan ng talent! nahihiya akong nakikita mo ngayon na sabaw ako pero salamat sa pagbisita ^__^

    ReplyDelete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin