Thursday, October 9, 2014

Madaling Araw


credits: oceanne
Madaling araw na naman, makikipagsayaw akong muli sa daan. Alas-tres ng madaling araw, sasabihin sa sariling sana ako'y naging matapang. Susubukang ihain muli ang tanong na sa simula palang ay napagdesisyonan na. Para sa akin na lang ba mali ang ngayo'y 'di tayo magkasama.

Nakasindi ang ilaw ngunit maliit na bato'y hindi mai-iitsa sa bintana. Hiya ba, o awa sa sarili kong kalagayan. Hindi ko alam. May tama akong alam na hindi mapatunayan, may pag-ibig na wagas ngunit 'di kayang ipaglaban.

Mahirap kapag ang sarili'y 'di mo na makilala, ikaw na ang hahatol sa sariling wala ka ng halaga sa iba. Kakaiba ang ating naging pagsasama, apat na taong maligaya ngunit sa telepono ng selda tono at boses mo'y 'di ko kilala. Hindi ko pakay na malaman mong patuloy akong umaasa. Mabilis mo mang sa sarili'y napagpasyahan, bigyan mo rin ako ng sapat na dahilan para masabing wala na.



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

2 comments:

  1. ouchy!!! sakit naman nito! #hugggoooooot

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan ang kwentong hinugot sa sabaw hehe salamat sa pagbisita senyor ^_^

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin