credits: k.rol2007 |
Ganon ang mga simpleng bagay na magpapangiti kay Rina sa kabila ng maraming problema. Paminsan, iiwasan na lamang niya ang manood ng balita dahil maaawa lang sa kalunos-lunos na kalagayan ng bansa. Kung mayroon lang sana siyang magagawa.
Kakatok na naman sa isipan niya ang palaging amo sa kaniya ni Andy na hindi na niya kailangang umalis ng bansa para lang madagdagan ng husto ang kanilang ipon para sa kanilang ipon. Para sa kanilang kinabukasan. At ang palaging sambit ni Andy na music na sa pandinig ni Rina, ang Gintong Milya na ang ibig sabihin daw ay lahat ng gustong nais marating ay abot-kamay, at lahat ng pangarap ay kayang bigyan katuparan, huwag lang mapapagod ang tao't 'wag mawawalan ng pagasa.
Nakatanaw lang sa mga ulap si Rina, hindi alintana ang siksikan, ingay ng lumang makina at ng panabong na manok ng katabi niya sa bus. Sa isip niya ay naglalaro ang imahinasyong ikinakasal na sila ni Andy, maraming ngiti at espesyal ang bawat sandali na para bang ang kanilang pag-iibigan ay itinadhana upang punan ng ligaya ang lungkot sa puso ng isa't-isa. Mapapangiti na lang siya ng maisip na sa dinami-rami ng gwapo sa eskwela ay ang promdi na si Andy pa ang napisil niyang sagutin sa kaniyang mga manliligaw. Dahil hindi alam ng marami ay Bicolana rin siya ngunit kinailangan nilang sa Maynila manirahan para sa trabaho ng kaniyang Ama.
Mainit na yakap ang isinalubong ni Andy kay rina na parang matagal silang hindi nagkita kahit pa kailan lang ay nagkukulitan sila sa pagpapaulan ng ideya kung paano nila ipagdiriwang ang kanilang anibersaryo. 'Yon ay kahit pa puro plano lang, wala naman silang ganong kalaking halaga para matumad ang mga 'yon. Dahil parehong abala sa trabaho, masaya na sila sa simpleng pagkikita at pagsasama katulad ng tagpong iyon ngunit kailangang putulin saglit ng tricycle driver na maghahatid sa kanila ang sweetness nila. Baka hindi raw makarami.
Sa kanilang pagsakay, kahit pa maputik at lubak ang daan ay magkayakap ang magkasintahan na s'ya namang tumutukso sa driver para iyon na ang maging huli niyang byahe para sa araw, bigla kasi niyang na miss ang kaniyang misis.
Noong makarating ay ayaw pa sanang gisingin ni Andy si Rina na nakatulog na sa kaniyang balikat dahil na rin sa pagod at haba ng byahe ngunit kailangan. Kailangan niyang makita ang sorpresang hindi ihinanda ni andy kundi sorpresa na magpapaalala kung paano ihinain ng kapalaran ang tadhana sa kanilang dalawa.
"Bakit nandito tayo?" nagtatakang tanong niya kay Andy. "Ito yung dati naming bahay." may halong pagkamangha na sambit n'ya
Kasabikan agad ang nakita kay Rina at hindi na alintana ang pagod. Nagmamadali niyang hinawakan ang mga kamay ni Andy at pinasalamat para sa simplen niyang sorpresa.
Sabik na niyang papasukin ang dating bahay para tanawin ang mga naiwan doong alaala. Hihilahin niya sana ang kamay ni Andy upang isama ngunit bagkus ay si Andy ang nagsama sa kaniya sa isang lugar doon.
"Ano ngang tawag sa lugar na 'to? Nakalimutan ko na kasi." tanong ni Rina upang basagin ang kakaibang pagtahimik ni Andy sa kanilang paglalakad
"Hindi ko rin alam." maiksing sagot niya
Matagal na sandali din ang binilang bago pa madugtungan ang sagot ni Andy-"Itinuring ko na lang ang lugar na ito bilang Simula."
Mataas ang mga damo at papalapit sila ng papalapit sa isang malaking puno. Habang papalapit ay tila larawan na unti-unting lumilinaw kay Rina ang lahat. Nagtatago ang kaniyang mukha sa likod ni Andy hindi dahil sa takot sa kanilang dinaraanan kun'di para itago ang kaniyang luha mula sa naghahalong lungkot at tuwa. Narating nila ang puno at hindi na kinailangang tignan pa ni Rina ang mga nakaukit na pangalan nila sa punong iyon. Niyakap niya si Andy.
"Ikaw rin pala ang kababata kong si Andoy. May pasosyal ka pang name sa Maynila ah." biro pa ni Rina habang ramdam sa puso ang mas lumawak na paniniwala sa tadhana
"Ako nga, at ikaw ang aking Gintong Milya." sagot ni Andy, "Dito ang simula, kaya naisipan ko ring dito ito itanong sa'yo." dagdag ni Andy habang akmang luluhod sa lupa
~~ wakas ~~
#sabaw #pilitingmakasulat #antok
#kabikulan #bicolandia #albay
Let's pray for the safety of Albay evacuees from eruption threats of Mayon Volcano
credits: the sacramento bee |
No comments:
Post a Comment