Saturday, March 8, 2014

Tadhana?


credits: creatiweety
Tatlong taon na ang lumipas. Ngayon ay narito ako't nasa harapan ko siya, ang ulap niyang pisngi, at kalangitang mga mata. Hindi niya alam kung gaano kadaling nawawala ang lahat ng bigat sa akin isipin lamang na magkikita kaming muli, mayayakap ko siya't muling makakasama. Maririnig ang kaniyang tawa, matatanaw ang bawat ngiti, at mahahawakan ang kay gaan niyang mga kamay.

"Narito na ako. Nandito na tayo."

Parang quicktime flashback na babalik ang lahat. Parang paghabi sa pinagmulang binhi ng pagmamahalan. Munting halaman  na akala mo'y walang pag-asang tumubo at magtibay, ngunit binuhay ng aming paniniwala at pag-asa. Makakaasa siyang kasama niya ako hanggang sa huling dahon ng buhay.

"Bakit hindi?" ang sagot niyang may pagka mataray ngunit pinakamatamis na salitang narinig ko sa 'king lifetime noong tinanong ko sa kaniya, "May pag-asa bang maging malapit ang 'sang tulad ko sa isang tulad mo?" Sana ganon lang kadaling ibahin ang tanong, minahal ko na kasi siya. Pero alam ko namang ang pagkatok sa puso ng isang tao ay hindi ganun-ganon na lamang, kung kaya nga matiya akong sumuyo at naghintay.

Hindi ako nabigo, kasama ang pangakong kahit kailanman ay hindi ko susugatan ang kaniyang puso. At sa panahong siya naman ang kinailangang sa'kin ay maghintay, lubos ang aking pasasalamat dahil pinatunayan niyang ang kulay ng aming pagmamahalan ay hindi kailanman makakahanap ng dahilan upang kumupas. Labis na pasasalamat sa pangunawa, pagmamahal, at tiwala.

"Narito na 'ko. Nandito na tayo"

May ngiting pinunasan pa niya ang luhang hindi naman niya inasahan, at hindi napigilan. Siguro ay dahil hindi niya inasahang dito, ganito, at ngayon ang eksena ng realidad na ito ay magaganap. Hindi hangarin ng hinugot na singsing at ng pagluhod sa gitna ng kalsada ang paiyakin siya, kundi para patunayan ang aking pag-ibig, at ialok na ialay ito sa kaniya sa panghabangbuhay. Kung hindi man totoo ang tadhana, handa akong pantunayan ang pag-ibig ko sa kaniya sa bawat bukas ng aking buhay. Hindi ko naman inaasahan ang mabilis na sagot mula sa kaniya, kahit "Bakit hindi?" ang muling isagot niya'y abot langit na ang aking kasiyahan. Dahil sa akin, 'yon ay pagbubukas sa pinto ng panghabangbuhay na kaligayahan.



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

4 comments:

  1. ang sarap naman sa pakiramdam ng ganyan... :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. habang tumatagal kumokorni ako ng kumokorni pansin mu rin ga kaibigan haha ^___^

      Delete
  2. Tadhana. Napakagandang salita.
    Hindi ko na tatanungin kung fiction ito. Naniniwala ako kay Tadhana.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaibigan antagal mong nawala, at ito babasahin ko na ang bagong ulat sa iyong lungga ^___^

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin