Sunday, March 30, 2014

Monyakis


credits: pedestrian crossing
Miss na taga FEU, hindi ko akalaing ang 'sang tulad mong napakakinis ay sanay na sanay kung makisiksik. Kung ang iba ay nangayaw sumakay sa mala sardinas nang siksikan na jeep, ang waluhang upuan ay nagawa mo pang siyaman nakayo mong isiksik ang sarili.

 Alam kong ikaw ay nahihirapan dahil halos ang naiupo nalang ay puwit. Nakatabi mo pa'y mukhang may itinatagong anghit. Ngunit dahil walang reklamo, o pagkainis na nakita sayo'y pinatunayan mo lang na hindi ka tulad ng ibang babae na ubod na arte, at feeling kagandahan kahit dehins naman.

Dahil mahiyain na magtanung-tanong ay natagalan sa paghahanap kung saan ba inilipat ang sakayan ng derecho-pasay rotonda. Pero ayos lang kahit may kalayuan ang aking lakarin, kung ang araw-araw namang makakasabay ay isang tulad mo. Siguradong walang magrereklamo kay Mayor at Vice na umiiskotrada ang drama.

Inisip ko rin na mas kumpleto sana ang aking araw kung doon ako nakaupo sa kabilang upuan, kung nagkataon ay makakatabi sana kita. Pero mas maswerte palang nandoon ako sa kabila at maiging naiusog ng bawat kembot ng aking mga katabi, dahil nakatapat kita, at malaya kong napagmasdan ang maamo mong mukha habang ika'y naka salumbaba't mata'y sinusubukang saglit na ipahinga.

Sana ay maaari akong pumikit at sundan ka kung saan man ngayon naglalakbay ang yong diwa't isip. Kung bakit ba kasi nila sinasabing hindi maaaring magtagpo ang lupa't langit. Ayos lang, susubukan ko pa rin, ganitong sanay na rin lang ako sa pagtanggap ng hapdi at sakit.



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

4 comments:

  1. Medyo... medyo lang iba ang naiisip ko nung binasa ko ito. :)
    Saan ka ga papunta sa rotonda?

    ReplyDelete
    Replies
    1. nagaaral ako doon idol haha. ano bang naiisip mo ^__^

      Delete
  2. habang binabasa ko ito... na iimagine ko ang mga pangyayari.... mas mapalad nga siya dahil nakatapat niya... mas nasilayan niya....

    musta na....

    ReplyDelete
  3. ayos lang sir Jon ^__^ ito sinasabaw pa rin hehe. madaming inaasikaso gawa ng mag ofw na rin ako tulad mo.

    ReplyDelete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin