Sunday, February 9, 2014

Huni ng Isipan


credits: red bubble
"Hanggang sa ngayon ba malungkot ka pa rin?" nakakunot-kilay na tanong ni Jenna kay Aries na siya namang nakatayo lang at nakatanaw sa labas ng bintana. May tinapay at bote ng juice sa mesa ni Aries na naroon lamang upang walang kasamahan ang magyaya sa kaniya upang bumaba at kumain saglit habang break nila sa opisina.

"Bakit nandito pa ako? Para saan pa? Para saan pang nabubuhay ako?" tanong rin ang ibinato ni Aries sa kausap na hindi man lamang niya nilingon. Pagaalala at simpatya naman ang ibinigay ng kaopisinang si Jerry ng akbayan niya si Aries bago siya dumeretso sa palikuran. Narinig kasi niya ang sinabing 'yon ni Aries at alam niyang mabigat ang dinadala ng kaibigan.

Kalsada, matataas na gusali at straktura ang tanaw ni Aries mula sa bintana, haggang sa dumapo ang isang ibon sa harapan ng bintana, bagay na bibihirang mangyari. Ang isip at diwa ni Aries ay agad na nakabalik sa kanilang Probinsya. Masasayang alaala ang pumasok sa kaniyang kamalayan. Ang munti nilang tahanan, ang punong paborito niyang akyatin para tanawin ang malawak na bukid, ang hini ng mga ibon na hilig niyang pakinggan at pagmasdan naman kung lumilipad, ang kaniyang kababata at mga kaibigan at ang mga araw nila, ang kaniyang Ama't Ina, kapatid, at ang lahat ng masasayang alaala, ang kaniyang Mahal at ang pangako nila sa isa't-isa na panghabangbuhay. Ngunit babalik pa rin sa realidad kung saan muling sisisihin ni Aries ang kaniyang sarili.

"Bakit hindi niyo ako hinintay?" lumuluhang tanong ni Aries kay Jenna. "Hintayin niyo ako!"

_____________________________

Madaling nakarating ang mga ambulansya at mga pulis na nagiimbestiga sa gusali kung saan naroroon ang kanilang opisina. Si Jerry ang tanging nakasagot sa kanila tungkol sa kung ano talaga ang naganap.

"Nagsasalita po s'yang magisa non. Parang tinatanong ang sarili. Nakatanaw lang po siya sa labas ng bintana noong umalis ako, pero wala na siya noong makabalik ako. Sabi po nung huling pumasok dito, may ibon daw pong pinagmamasdan doon po mismo sa bintana. Lumipad papalayo ang ibon, sumigaw pa daw si Aries na-Hintayin niyo ako! Mabilis po ang sumunod na pangyayari." paliwanag ni Jerry

"May alam ka ba kung bakit nagawa niyang kunin ang sarili niyang buhay?" dagdag pang katanungan sa kaniya

"Plano na pong magresign ni Aries, babalik na sa kanilang probinsya at pakakasalan ang nobya. Ngunit nauna pong dumating dito ang liham na nagbalitang nahulog sa bangin ang minamanehong owner ng kaniyang Ama, sakay ang kaniyang ina, ang kapatid niyang babae, at ang kaniyang nobya na si Jenna."


~~ o ~~


Ang tema ng maikling kwentong ito ay hango sa akda ni Ginoong Abdon M. Balde Jr. 

Ang Pagbabalik



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

4 comments:

  1. oh my tragic... timing naman sa pagpanaw ni Tado. Naku, nakakabaliw naman talaga pag ganun ang nangyari. Wala ng reason to leave kasi nawala na ang lahat ng mahal sa buhay. Galing as always!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nagulat din ako noong nalaman ko 'yon. 'di kasi ako nakanood ng news lately :(

      Delete
  2. naguumapaw parin sa kalungkutan :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. olivr. maraming salamat sa muling pagbisita at pagbasa sa aking blog ^__^

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin