Monday, August 12, 2024

Dating Booth

image credits @copperdating
Andami na namang tao. Kung sa bagay ay sanay naman na ako, parang sa walang kamatayang job fair. Halos lahat yata ng kumpanya sa Techno Park ay naapplyan at napasukan ko. Yung cycle ng buhay na anim na buwan-panibagong apply panibagong requirements. Sa totoo lang ay umay na umay na ako ngunit ano pa ba't kailangang tayo palagi ang humahabol sa trabaho.



Wednesday, August 7, 2024

Antas ng Paniniwala

photo credits @pinkfighter
Iba ang gising ko ng gabing iyon. Maghapon ngunit pakiramdam ko'y kulang na kulang pa rin ang aking itinulog. Alam ko ding kapag itulog ko na lang muli ay sa umaga na ulit ang gising ko. Nasa lamesita pa ang negatibong resulta ng pregnancy test ni Venus. Nagkalat sa sahig ang mga lata ng alak, karamihan ay hindi tuluyang naubos at sa sahig ay tumapon.



Tuesday, July 16, 2024

Kabalintunaan

image credits @kritikavashist
Sa mga panahong hindi ko na alam ang gagawin. Sa mga panahong hindi ko na alam kung saan pupunta. Sa mga araw na wala akong dahilan para gumising. Sa mga walang tulog na gabi dahil sa mga mabibigat na isipin.



Tuesday, June 4, 2024

Mga Serye

image credits @lovepik
Maraming serye ang ating mga buhay. Mga serye ng paglalakbay. Mga serye ng pagbangon sa kabigatan. Mga serye ng kilig at kagalakang nararamdaman. Mga serye ng takot at kahinaang natutuklasan pa lamang. Mga serye ng paghihinagpis. Mga serye ng paulit-ulit lamang na araw-araw nating karanasan. Mga serye ng paghanap sa totoong ikaliligaya ng ating puso't isipan. Mga serye ng paghingi ng tulong sa ating Panginoong may kapal. Mga serye ng kalukutan sa nawalang minamahal. Mga serye ng sama ng loob nating nararamdaman, at marami pang seryeng hindi mabilang.


Friday, April 5, 2024

Nagaalab at Magulong Isip

photo credits @wiki
Inaamin ko naman ang kaguluhan sa aking isip. Lahat ng parinig ko sa kaniya ay mayroong totoong pagtingin na kalakip. Kung bakit kasi kailangan ko pa siyang maging kaibigan? hindi ba pwedeng ka-ibigan na agad-agad? Sabagay, kahit nga ngayon ay hindi pa namin lubos na kilala ang isa't-isa. Pero alam ko sa aking puso na gusto ko siya, gusto ko siyang maging kasintahan at maranasan ang mahalin niya din ng lubusan.



Wednesday, April 3, 2024

Mata ng Musika

photo credits @vrogue.co
Alam kong hindi madaling makalimot at makawala sa lungkot ng mga pangyayaring hindi naman natin ninais pero darating at darating ito. Hindi ko masabing tama na ang pagluha, hindi ko din naman masabing huwag kang lumuha dahil kailangan itong gawin para mailabas ang lungkot na nararamdaman. Gusto ko ding sabihin na nandito naman ako, pwede niyang kausapin at sa balikat ko ang mga mata ay patuyuin.



Saturday, March 16, 2024

Crosswalk Orchestra

photo credits @bing
Pinagmamasdan ko ang mga tumatawid sa Hammil. Halos lahat yata ay sa Super Bowl ang punta, kung dalahin ang bandera ay parang mga langgam na nagtutulungang iuwi ang piraso ng Sky Flakes. Nakaka lagnat ang lamig pero sinanay na ng matagal na pamamalagi. Ilang taon na rin mula noong magpaalam ako sa Liliw.



Thursday, March 14, 2024

Pugay sa Patay

photo credits @museo ng muntinlupa

Sa mundo ay namaalam
Mga Mahal ay naiwan
Hindi man kagustuhan
Buhay ay may kawakasan



Wednesday, March 13, 2024

Higanteng Pagtanggap

photo credits @ denkpositief
Hindi pa rin makapaniwala si Isabelle. Katabi niya ngayon ang isang binata. May kaya sa buhay, nakapagtapos ng pagaaral, may sariling bahay at sasakyan, may trabahong hindi patay-buhay, at higit sa lahat ay walang sabit. Baka nga nahihiya lang itong magsabi, dahil pansin niyang wala pa itong masyadong alam sa pakikipag talik.



Mayaman sa Kaluwalhatian

photo credits @ don pablo
Si Ralf. Bata pa lang ay manghang-mangha na sa ganda sa mga disensyo, sining, at istraktura ng Simbahan. Lalo kung ramdam na ang diwa ng kapaskuhan. Sa tuwing magsisimba ay may hindi maipaliwanag na kagalakan siyang nararamdaman. Sa mura niyang isip-"Magiging nasa ayos at masaya ang lahat kapag ikaw ay may takot sa Diyos at sa kaniyang Kaluwalhatian.".



Saturday, January 13, 2024

Biskwit

cresits: 2pots2cook
Naaalala ko pa noong bata pa ako. Tuwing uuwi kami ng San Isidro ay hindi makakalimutan ni Itay na dumaan sa pamilihan para magpasalubong sa mga kamag anak ng isang timbang biskwit. Yung may mga nangangabayong bata sa pabalat, mura lang at matagal talagang maubos dahil mauumay ka na lang sa dami tuwing tatanggalin mo ang takip.




All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.