Saturday, January 13, 2024

Biskwit

cresits: 2pots2cook
Naaalala ko pa noong bata pa ako. Tuwing uuwi kami ng San Isidro ay hindi makakalimutan ni Itay na dumaan sa pamilihan para magpasalubong sa mga kamag anak ng isang timbang biskwit. Yung may mga nangangabayong bata sa pabalat, mura lang at matagal talagang maubos dahil mauumay ka na lang sa dami tuwing tatanggalin mo ang takip.

Kung alam ko nga lang kung saan pa makakabili ng ganon ngayon, bibili na talaga ako kahit tatlong timba na agad. Nauubos kasi sa mahal ng mga biskwit sa canteen ang pera ko, kaya nga hindi na lang sana naibento ang short break, maigi pa kung derecho nalang para makauwi din ng mas maaga ang empleyado.

Kung may jowa lang din sana ako na makakamusta at makakachat saglit para lumipas ang oras, edi sana naka ngiti akong manginginig sa gutom. Pero walang halong biro, sawa na kasi akong mag scroll dahil ipapaalala lang naman ng Facebook na ako na lang ang walang jowa. Bale dalawa pala kami ng sad boy na si Ruben, na di ko alam pano ko naging fb friend.

Nasa profile na niya ako para pindutin ang unfriend button noong mapansin kong mayroon kaming isang mutual friend, si Lina na hindi ko rin kilala ngunit napa wow agad ako sa ganda. Hindi ko kasi napigilan ang daliri ko na mag scroll sa mga larawan niya, napansin ko nalang nandun nako sa part na dalagita pa siya. Kilala ko pala talaga siya, hindi kolang namukhaan dahil sa laki ng pinagbago niya.

Heto nga't ang Beki office mate kong si Ruby, naghihimutok kung bakit ko siya inunfriend sa fb. Siya pala yung Ben si Ruben nga pala siya. Siya na ang lagi kong kasama mag short break pero mga ilang linggo lang ang lumipas mukhang sa wakas ay hindi kona kailangang mag biskwit. Ito kasing kababata namin ni Ruben na si Lina, nililigawan ko palang galit na kapag matagal akong magreply sa kaniya.


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin