Saturday, August 26, 2023

Kabilang Kwarto

photo credits @moveinthecity
Rinig sa kabilang kwarto ang ingay. Ingay dati'y dahil sa akin mo nalilikha. Sadya bang ang init sa akin ay nawala? O lahat ng hanap ay sakaniya mo nakita?.



Thursday, August 24, 2023

Puno ng Liwanag

photo credits @lightknights
Naisip ko. Pano kaya tayo nananatiling matatag kahit sobrang hirap nang tumayo sa mga araw-araw nating laban. Pano kaya natin nalalaman na darating din yung araw na iba naman sa ating mga nakasanayan. Yung alam mong magiging masaya ka din at makakaluwag kahit alam mo rin namang napakalayo mo pa para makarating sa iyong mga pinapangarap.



Friday, August 18, 2023

Sangang Daan

image credits @joseburgos
Magpakita ka sa iyong araw
Baka ikaw ang hinihintay na dalaw
Guluhin ang tahimik kong buhay
Dalhin sa pagkakasalang hukay


Tuesday, August 15, 2023

Ganito Ba Ang Magmahal?

image credits @istock
Mapapadpad sa kung saan, mababangga sa kung sino 'man, at sa kaniya ay mananatiling nakadikit, kahit ang lahat ay walang kasiguraduhan. Tatlong araw? tatlong taon? tatlong buwan? sino bang nakakaalam?. Mauupo sa sariling paghihirap para siya ay magandang mapagmasdan. Sa sarili ay katanungan, tama ba ako ng taong tinigilan?



Friday, August 11, 2023

Paambon sa Oktubre

art credits @kompasiana
Kamusta ka? Ako naman ayos lang. Alam kong marami kang nararamdaman ngayon, magsabi ka lang sana, hindi ka nagiisa, sabihin mo kung may kailangan ka. Nandyan ang pamilya mo, ang mga kaibigang mo, kung hindi mo alam, maraming ang nagmamahal sa'yo ng totoo. Isa na ako.



Monday, August 7, 2023

Tinoyo

image credits @lordshaax
May mga drama sa buhay natin
Sa iba'y ayaw na nating sabihin
Nakakahiya? Di na para aminin?
Pero ang sakit nananatili sa atin



Sunday, August 6, 2023

Patungkol Kay Diana Lyn

photo credits @ttsellvs
Sabi niya hindi na siya naniniwalang matatupad ko ang aking mga pangako. Yung darating ang araw ay makakagala kami sa magaganda at malalayong lugar. Mabibili ang lahat ng maibigan. Maraming oras na mailalaan para sa isa't-isa. May negosyo at hindi kailangang kumayod na parang kabayo sa pabrika. At titira sa tahanan na masasabing sa amin, hindi nakatira sa magulang, at walang upang binabayaran. Kahit mabigat 'yon dalahin sa aking likuran lalo't parang ako lang, lahat yon ay pinangako kong isasakatuparan. Sa gabay ng Panginoon at pagsusumikap.



Saturday, August 5, 2023

Anak ng Pusa

photo credits @flickr
Alas nuebe na pala, hindi na ako nagigising ng maaga. Kung hindi pa tugusan ang init sa yero at plywood ay siguradong mahimbing pa rin sa pagkakahiga. Nakahain na sa mesa, kuryente, tubig, utang, at upa. Magkakape na lang sana pero ang termos, mas mabigat pa yung tasa.



Friday, August 4, 2023

Bato sa Isla

photo credits @gmanetwork
"Hindi ka na sanay ah." Biro ko sa kaniya habang inaalalayan sa mga hakbang. Hawak ang kaniyang malambot at maputing kamay, ibang-iba sa dati pati ang wangis niya, may mga palamuti sa balat at matapang na amoy ng mga rosas sa kaniya. Mula sa pagdaong ng bangka hanggang sa pag ahon ay walang kahit anong imik na maririnig sa kaniya. Dahil siguro hindi naman niya inasahang susundo pa ako sa kaniya, nabalitaan ko kasing darating siya.



Thursday, August 3, 2023

Magiging Masaya Ako

art credits @etsy
Dalawa lang naman daw ang klase ng pamumuhay, yung salat at sagana. Si Ana hindi pa niya alam kung nasaan siya, may kinikita naman kasi siya pero kapalit non ay ang magdamag na paghahanap buhay niya. Yung uuwi na lang para magpahinga, nakailang scroll palang sa mga reels ay malalaglag na ang cellphone sa kaniya. Heto nga't imbis na makakapag checkout na ng mga nakapilang bilihin, kailangan munang unahin ang pamalit sa buwan-buwang nababasag niyang screen.



Wednesday, August 2, 2023

Ang Tulang Hindi Mo Maiintindihan

art credits @behance.net
Pinasan ko lahat ng sakit sa aking likuran
Nilulunok ang lahat ng galit 'pag ikaw ay nariyan
Pinilit baguhin ang aking mga nakasanayan
Ngunit makipot ang kalsada ng nais mong daanan



Tuesday, August 1, 2023

Gurang

credits @mitochondriagallery
Nasaksihan ko ang sarili kong pagbabago
Mula sa taong hindi malaman kung saan patungo
Ngayon ay taong nabubuhay para lang sayo
'Di naman talaga ibig sabihin non na alipin mo ako




All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.