Wednesday, December 21, 2022

Nobara Por Yna

image credits: eugenia hauss
Sabi nila malayo ang lalakbayin ng kaluluwa bago nito mahanap ang itindahanang kapareha
Sabi nila hindi mabilang ang sakit na pagdaraanan bago makamit ang tunay na kaligayahan
Hindi ko alam. Bakit nga ba hindi maaaring sa una pa lang ay tayo na agad ang nagkakilala
Hindi ko alam. Bakit nga ba kailangan nating dumaan muna sa masasakit na mga karanasan


Tuesday, September 13, 2022

Atelophobia

image credits: PNGTree
Sinindihan ang sigarilyo para bisitahin ang dalawang minuto ng pagiisip kung bakit tuluyang pinapatay ang aking sarili. Matapos ang paninira nito'y itatapon sa sulok at kukumbinsihin ang sariling huling beses na 'yon kahit alam hindi 'yon ang mangyayari.


Monday, August 29, 2022

Mohoao

credits: S A D

Sampung libong distansya ang kaniyang ipinabatid. Hiling lang naman talaga ang Pagibig at sa una pa lang ay alam ko nang mahirap itong makamit. Ngunit bakit pakiramdam ko'y pinatayan ako ng ilaw sa paghahanap ko ng susing sa una palang ay hindi ko alam ang hugis.



Thursday, July 14, 2022

Y.O.T.G

photo credits: totalbeauty.com

Tiniis ko ang lahat ng tusok sa dibdib.
Upang sa puso puso ko, ikaw ay maiukit
Alam kong sa akin ika'y hindi ka naaakit
Ngunit hindi titigil masaktan man ng paulit-ulit.


Friday, June 10, 2022

Nedaay

image credits: valdo
May mga imahe sa kisame ng kwarto ni Scarlet. Lagi siyang nakatingala para tanawin ang mg ito. Ang pagsusuyuan namin noong kami'y dalaga't binata. Ang umula't umaraw na pagsundo ko sa kaniya. Ang mga uri ng librong naipalo na niya sa akin. Ang pagpapakilala ko sa kaniya sa aking magulang. Ang tuluyang pag "Oo" niya sa aking pagsuyo. Ang tuluyang pagsasama namin at pagbuo ng mga pangarap. Ang mga pangyayari sa araw ng aming pagiisang dibdib. Ang unti-unting paglaki ng anak naming si Justine. Ang unti-unting pagabot namin sa mga pangarap. At ang unti-unting pagbagsak ng aking katawan.


Ventinove

image credits: moraganramberg

Malamig ang humahampas na hangin sa aking mukha. Makinang ang abalang siyudad ngunit tila bulong lang ang ingay nito dahil sa kalayuan. Mahaba na ang titis ng sigarilyong hawak ngunit hindi ko pa ito mapitik. Ayokong sirain ang masayang sandali ng mga nagtatampisaw, nagkakasiyahan, at nagsasayawang mga kabataan sa ibaba.



Thursday, June 2, 2022

Malak

photo credits: everesthillsmemorial

Naisip ko habang naglalakad kami ni Ingrid, lahat kaya ng tao sa mundo ay walang alam sa  kung sino sila noong nakaraang buhay nila? Gaano sila katagal nabuhay, sino ang mga naging kabigan nila, sino ang pamilya nila. Hindi kaya alam nila kung sino ang naging kabiyak ng puso nila noon? O kaya makaramdam man lang sila ng kakaiba kapag muli nilang makasalamuha kung sino man ito?.



Wednesday, June 1, 2022

HNDKRNALM!

image credits: vectorstock

 Sinubukan ko kung maluluto talaga ang itlog sa init ng semento. Sinayang ko yung apat na piso. Bigay pa naman 'yon ni Jake, si Jake nakakabilib siya, talagang tinupad niya ang pangako sa magulang na magtatapos at balang araw ay siya ang magaangat sa hirap niyang pamilya. Sa ayos at pananamit pa lang niya ay sigurado naman akong natupad na niya.



Tuesday, May 31, 2022

Orca

image credits: redbubble
Parang pagpasok sa langit ang paglapit ko sa'yo. Pagtapos kasing hawiin ang mga ulap ay ganda mo ang sumalubong sa akin. Pero hindi talaga ulap 'yon kun'di usok ng vape mo. Kung bakit kasi hindi mo pa matigilan ang bisyo. Dapat pala si Jenny na lang ang nanalo!-agad mong bungad sa akin. Tignan mo ohh, baka last puff ko na nga 'to on a public place-Dagdag mo pa habang kunot noo pa rin ako dahil hindi maintindihan kung ano ang ibig mong sabihin.


Friday, May 20, 2022

Ados

image credits: avgust
Sana kung nasaan ka'y inaaalala mo pa rin ang ating mga kahapon. Sana mahigpit pa rin kitang nayayakap sa buong maghapon. Sana ang araw-araw na pagalala sayo'y hindi lungkot ang pabaon.


Thursday, May 19, 2022

Akinse

photo credits: tunaolger
“Tatlong gabi ko nang iniisip kung susulat pa ba ‘ko ulit.
Ngunit wala akong mapiga sa kakarampot kong isip.
Marahil ang siglang hanap ng puso’y ‘di pa nagbabalik.”
-B

“Nandito ka pa rin?” Gulat na gulat mong sabi na parang ako na lang ang hindi na nababagay sa Sitio Siwit, yung para akong nag earth trip na alien, naiwan ng flying shuttle pabalik sa multiverse.



All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.