image credits: PNGTree |
Sinindihan ang sigarilyo para bisitahin ang dalawang minuto ng pagiisip kung bakit tuluyang pinapatay ang aking sarili. Matapos ang paninira nito'y itatapon sa sulok at kukumbinsihin ang sariling huling beses na 'yon kahit alam hindi 'yon ang mangyayari.
Hihiga't itatanong sa sarili-bakit nilunod ko sa alak ang sarili kagabi? Hindi naman ako malungkot. Nandiyan naman siya para makinig sa akin. Makita ko lang siya at makausap ay napupunan ng ligaya ang aking puso, siya rin ang palaging laman ng utak kong noon ay puro lang hangin.
Sa kaniya na nanggaling-Bakit kailangang matakot? Bakit kailangang panghinaan ng loob? Siguro nga, hindi ako ganon kalakas para itago, takot akong masaktan, takot akong maiwan. Sana nandito siya para matitigan ko ang mga ngiti niyang nagbibigay sa'kin ng saya at pagasa.
Paano na naman ako makakabalik sa pagtulog? Walang tigil sa pagpukpok ang kapitbahay kong 24/7 mag karpintero. Iisipin ko na naman si Yna. Pagod na sa trabaho, pagod pa kakatakbo sa isip ko. Pano kaya sasabihin sa kanya-Salamat sa pag alis sa lahat ng lungkot at takot sa'king didib. Walang nagmamadali. Sadyang madali mo lang akong napaibig.
~~
No comments:
Post a Comment